ANIM na buwang suspensiyon ang ipinataw ng Board of Dentistry ng Professional Regulation Commission (PRC) sa isang oral surgeon and dental implantologist matapos mabatid na ‘incompetent’ sa kanyang propesyon matapos mapatunayan na ang kanyang sertipiko para sa kanyang specialization ay hindi kinikilala ng Board of Dentistry dahil sa dishonorable conduct.
Sinuspende nang anim na buwan ng Board of Dentistry ang isang Dr. Noel Velasco at pinagbawalan munang gumanap bilang oral surgeon na nagsasagawa ng dental implantology.
Inatasan din ng Board of Dentistry si Velasco na isuko ang hawak niyang Certificate of Registration at Professional Identification cards bilang rehistradong dentista.
Si Velasco ay inireklamo ng isang Norlyn Nibre sa PRC na may Administrative Case No. 470.
Napag-alaman, ang complainant na si Nibre ay naghain ng kanyang Motion for Reconsideration matapos i-deny ng Court of Appeals noong 23 Setyembre 2015.
Ang Motion for Reconsideration ni Nibre, ay tinanggihan noong 1 Pebrero 2016, na may “deny the motion with finality.”
Dahil dito ay naghain ng Petition for Review in Certiorari sa Korte Suprema at noong 19 Hulyo 2016, naging final and executory at recorded sa Book of Entries of Judgements.
Ang nasabing suspensiyon ni Velasco ay pirmado nina Roberto M. Tajonera Melinda L. Garcia, Maria Jona D. Godoy, Rannier F. Reyes at Glotia M. Bumanlag ng Board of Dentistry. (AV)