EFFECTIVE April 1, hindi na mapapanood ang All-Star Videoke hosted by Betong Sumaya and Solenn Heusaff. Ang ipapalit dito’y ang nagbabalik na Lip Synch Battle.
Ayon mismo sa aming source sa GMA, hindi makaalagwa ang ASV sa katapat nitong I Can See You Voice.
Matatandaang ang ASV ay dating hosted nina Jaya at Allan K. With its replacement, mukhang mas tataas ang production cost ng estasyon via LSB.
Pasensiya na, we cannot pass judgement sa ganda ng ICSYV na si Luis Manzano naman ang host. Hosting-wise, walang dudang isa sa mga mahuhusay na TV host si Luis (may pinagmanahan naman kasi).
Hindi lang siguro swak ang Betong-Solenn tandem in a music-oriented program. Solenn can more than carry a tune, eh, si Betong? Dapat sa mag-partner ay marunong kundi man magaling sa larangan ng pagkanta.
Siyempre, imposibleng ibinalik sina Jaya at Allan K dahil nasa ABS-CBN na ang tinaguriang Soul Diva. Si Allan K naman ay mas identified sa pagho-host ng Eat Bulaga bagamat nagsimula naman siya bilang singer-entertainer sa Japan noon.
Harinawa’y makabawi ang GMA via LSB na papalit sa ASV. Here’s hoping din na maungusan nila ang kay Luis although ang presence roon ni Alex Gonzaga na isang non-singer—sa totoo lang—ay walang idinudulot na advantage sa show.
Alex is neither funny hindi tulad ni Bayani Agbayani. In short, miscast doon si Alex na sana’y bigyan na lang ng ibang TV assignment.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III