Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasensiya Na MTV ng 1:43, buwis-buhay

TALENTED at hindi mapasusubalian ang kaguwapuhan ng mga bagong miyembro ng Pinoy boyband na 1:43. Ang grupo ay binubuo nina Art Artienda, Ced Miranda, Jason Allen Estroso, at Wayne Avellano na tinatawag na Pinoy version ng iconic Taiwanese group na F4 dahil na rin sa kanilang hitsura at timbre ng boses.

Si Art ay nadiskubre sa isang sari-sari store. “Bumibili ako ng energy drink tapos tinanong ako ni Uncle (Chris Cahilig) kung gusto kong maging member ng 1:43 then nagtuloy-tuloy na.”

Hotelier naman si Ced na mas piniling ipagpatuloy ang passion sa pagkanta.

Member naman dati si Jason ng Boys Boys Boys at nang magkaroon ng chance, sinubukan niyang mag-audition sa 1:43 at sinuwerteng napili.

Isang Med-Tech sa Winnipeg, Canada naman si Wayne na nagdesisyong bumalik sa Pilipinas para tuparin ang pangarap na maging musikero.

Ani Wayne, crush niya si Sarah Geronimo dahil bilib siya sa talent nito bukod sa sobrang bait.

Super crush naman ni Jason si Maja Salvador dahil ibang klase ang dating sa kanya ng aktres.

Kasabay ng pagpapakilala sa bagong miyembro ng 1:43 ang paglulunsad ng kanilang MTV at single na Pasensiya Na na kinunan ang music video sa Taiwan na sinuportahan at iprinisinta ng McJim Class Leather.

Ang Pasensya Na ay ang official soundtrack ng McJim’s viral short film na Sinturon na nakakuha ng millions of views sa Facebook. Agad ding nakakuha ng positibong response ang MTV nito simula nang i-post sa social media at sa iba’t ibang music channel.

“If they love the song, they will surely get hooked on this visual and auditory treat of a video that we have prepared for them. Sigurado kaming makare-relate lahat sa ‘Pasensya Na’ as most of us at one point in our lives have been martyrs of love and slaves to our emotions,” paliwanag ng kanilang úncle’ manager na si Chris Cahilig.

Ayon sa grupo, hugot ang tema ng kanilang latest single kaya marami ang nakare-relate sa kanilang kanta.

Bagamat nahirapan sila sa paggawa ng video, masaya naman sila sa kinalabasan nito.

Anila, sila-sila ang nagtulungan para mabuo ang MTV dahil wala silang maraming tao para makatulong. “We put a lot of hard work into it. It was also really tough considering the fact na wala kaming enough crew,”ani Wayne. “The weather is really gloomy, we do our own make up. We work as a team.”

Apat na araw nilang kinunan ang MTV na at maikokonsiderang buwis-buhay dahil delikado ang puwesto nila na nasa talampas na may kalakasan pa ang hangin.

Malakas naman ang ulan noong ikalawang araw ng shooting nila.

Magkasama sina Cahilig at Mario Colmenares ng Primetime Events and Talent Management sa pangangalaga sa 1:43.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …