Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

2 jailguards, 2 pulis patay sa shootout sa Munti

PATAY ang dalawang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at dalawang pulis sa palitan ng putok sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Binawian ng buhay bago idating sa Medical Center of Muntinlupa ang dalawang jailguard na sina JO1 Felino Salazar, 48, at JO2 Elmer Malindao, 33, nakatalaga sa Muntinlupa City Jail.

Nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente ang isang suspek na dating pulis na si PO3 Arnel Rubio, nasibak sa serbisyo dahil sa kasong grave misconduct noong Setyembre 2016. Habang isinugod sa pagamutan ang kasama niyang kinilalang si PO1 John Lardi-zabal ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, nasa kustodiya ng Muntinlupa City Police ang isang “person of interest” na kinilalang si Prison Guard 1 Dee Jay Tanael, nakatalaga sa Bureau of Corrections (BuCor), sinasabing nakita sa kalagitnaan ng enkuwentro.

Sa ulat na nakarating kay Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., naganap ang insidente sa Brgy. Tunasan malapit sa Muntinlupa City Jail, dakong 8:30 ng u-maga.

Sinabi ni Muntinlupa City Police chief, Senior Supt. Dante Novicio, lulan ng isang motorsiklo ang dalawang jail guard nang tambangan ng dalawang suspek na lulan din ng motorsiklo.

Ang insidente ay narinig ng mga kasamahan nilang prison guard habang nasa labas ng kanilang tanggapan, na sina JO1 John Edades, JO1 Moldero Sogan at isang Richard Basiloy kaya agad silang nagresponde at nakipagpalitan ng putok sa mga suspek.

Makaraan ang insidente, nakita nila sa lugar ang prison guard na si Tanael na armado ng baril kaya agad siyang dinala sa himpilan ng pulisya para imbestigahan.

Depensa ni Tanael, nagkataong dumaan siya sa lugar  nang maganap ang insidente.

Samantala, sinabi ni Chief Supt. Apolinario, isa sa anggulong kanilang iniimbestigahan ay onsehan sa droga.

Habang sinabi ni Senior Supt. Novicio, nasa drug watchlist ng NCRPO si Salazar.

nina JAJA GARCIA/MANNY ALCALA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …