Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC Santos denies relationship with his stylist!

HUMINGI ng apology si JC Santos sa lahat ng mga babaeng nakatrabaho niya, Ryza Cenon, in particular, ang leading lady niya sa Mr. and Mrs. Cruz, at Bela Padilla, na katambal niya sa super mega hit na 100 Tula Para Kay Stella, dahil nasangkot sila at napagbintangang third party in his breakup with Teetin Villanueva.

 

“I’m sorry sa lahat ng mga na-involved, pasensiya na. It happens,” the actor was quoted to have said in an interview.

Sa isang no-holds-barred comment ni Teetin, sinabi niyang he cannot be trusted.

Asked to comment about it, JC said that it is best not to say anything.

“Kung ‘yun po ang opinion niya,” he asseverated, “di ‘yun lang po talaga.”

Shifting to other interesting arenas, palabas na nga pala ang Mr. & Mrs. Cruz on the 24th of January.

Nakasisiguro kaming pa­nonoorin ito ng mga tagahanga ni direk Sigrid Andrea Bernardo na may hang-over pa sa unprecedented success ng munumental pic na Kita Kita.

Anyway, going back to the hot issue at hand, tungkol naman sa pagkakasangkot ng kanyang stylist sa issue, he said that, that was the farthest from the truth.

“Ang masasabi ko lang po,” he said in earnest, “malas po ang makipagrelasyon sa katrabaho. Personal stylist ko po siya.

“Nakalulungkot lang po ‘yung mga nangyayari.”

Up to now, he refrains from reading his ex-girlfriend’s interview.

Nag-usap na raw silang huwag na munang pag-usapan ang ganitong isyu.

“I think, one of the reasons… na pinakamatatag na reason,” he conjectured, “kung bakit kami naghiwalay is my career.

“And ayoko naman na maging unfair sa kanya, lalo na ngayon sa industriya natin, ang hirap po na maging artista, demanding po sa time.”

He stressed that their parting of ways was a mutual thing.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …