Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, ‘di nabigo, may bago pa ring ipinakita sa Mama’s Girl (Graded A ng CEB)

HINDI na bago ang gumanap na ina para kay Sylvia Sanchez. Matapos ang matagumpay niyang Greatest Loveat ang kasalukuyang umeereng Hanggang Saan, tuwina’y laging nag-aabang ang marami kung ano pa nga ba ang makikita, maibibigay ng isang Sylvia Sanchez.

Muli, hindi nabigo si Sylvia na ipakita pa ang iba pang puwede pa niyang ibigay sa pagganap bilang isang ina. Isang single mom na mayroong isang anak na medyo pasaway na hindi nakuha ang ugali niyang malakas, matapang at hindi basta sumusuko.

Naging dependent masyado ang karakter ni Sofia Andres (Abby Potpot) sa kanyang inang si Sylvia na hindi naman nakapagtataka dahil lumaki siyang walang kinilalang ama bagamat hindi iyon itinago ng kanyang ina. Para kay Abby Potpot, sapat na ang kanyang ina parang maging MaDa (Mami at Dadi).

Ang Mama’s Girl ay hindi kasing bigat ng Greatest Love pero magtuturo ang pelikulang ito kung paano tumayo sa sarili ang isang anak, manindigan, magpatawad, at magmahal. Pero puno rin ito ng mga tagpong tiyak na ikamumugto ng mga mata lalo kung ganoon ka kalapit o ka-close sa iyong ina.

Maraming bago ang naipakita sa karakter ni Ibyang. Tulad ng sinabi niya noon sa presscon, isang cool at sexy mom siya sa Mama’s Girl. Nakatutuwa ngang makita ang pagsasayaw ni Sylvia kaya naman panay ang kalabit at pagsasabi ko sa aking katabi habang nanonood ng paghanga sa aktres—magaling palang sumayaw si Ibyang. Hindi siya madadaig ng kanyang mga anak na sina Arjo at Ria sa sayawan.

Kung hanap naman ninyo ang matinding eksena siyempre hindi iyon mawawala. Ito ay nang mahuli niya ang kanyang Abby Potpot na may ginawang hindi maganda at sa kuwarto at pamamahay pa niya. Maganda ang confrontation na iyon ng mag-ina.

Kuwento ni Sylvia, hiniling niya sa director niyang si Connie S.A. Macatuno ang eksenang iyon. Ibig sabihin, ibinase niya sa kanyang experience. Kung paano sila ng anak niyang si Arjo kapag pinagagalitan niya ito at kung paano humingi ng kapatawaran ay iyon ang nangyayari.

Sa kabilang banda, hindi naman nagpahuli si Jameson Blake bilang boyfriend na nanloko kay Sofia gayundin si Diego Loyzaga na kaibigan ni Abby Potpot na naging instrumento para bumangon at lumaban sa buhay.

Palabas na sa kasalukuyan ang Mamas’s Girl na handog ng Regal Entertainment at hindi kami mahihiyang irekomenda na panoorin ito dahil hindi masasayang ang ibabayad ninyo.

MAMA’S GIRL,
GRADED A NG CEB

DINAGSA ng fans ni Sylvia gayundin nina Sofia, Diego, at Jameson  ang Cinema 7 ng Trinoma na lahat ay umuwing masaya kahit namamaga ang mga mata.

Marami sa mga nanood ang naka-relate dahil relasyong mag-ina ang ipinakita sa Mama’s Girl.

Hindi mabigat ang pelikula bagamat may mga tagpong talaga namang hindi mo mapipigil ang maluha. At tiyak na lalo mong pahahalagahan ang iyong ina sa panonood ng Mama’s Girl.

Samantala, Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Mama’s Girl. Congratulations sa bumubuo ng Mama’s Girl.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …