Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Billy, lumipat na ng Viva; dream na makasama si Sarah, matutupad na

A new beginning. Titriple ang trabaho ko.” Ito ang ibinigay na rason ni Billy Crawford sa pagpirma niya at paglipat ng management mula ALV Entertainment tungo Viva Artists Agency.

Ani Billy nang pumirma siya ng limang taong kontrata sa Viva, malawak ang platform ng Viva. “It’s really wide. It’s global.”

Sinabi ni Billy na maayos ang 10 taong paghihiwalay nila ni Arnold Vegafria na aminado siyang malaki ang naitulong sa kanyang career.

Aniya pa, may kailangan siyang baguhin sa buhay niya ngayong may bagong chapter sa buhay niya na magaganap. Ang pagpapakasal niya kay Coleen Garcia.

“It’s a new page and this page I think and I thought na I have to start fresh, I have to start new,” giit ni Billy.

Kaya naman bukod sa hosting job, gagawa ng album si Billy at magko-concert.

Excited si Billy at looking forward na mag-concert dahil ang pangarap niyang maka­sama si Sarah Ger­o­ni­mo ay matutupad na. Ito’y tiniyak na rin sa kanya ng big boss ng Viva na si Vic del Rosario.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricirs Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …