Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, goodbye hugot lines na

PANINIWALA namin, in no time ay makamo-move on din si Angelica Panganiban mula sa kanyang kabiguan dulot ng paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz.

Sa mga latest hugot lines ng aktres, obvious that she’s trying to humor the situation na lang. Maaaring may konek pa rin ‘yon sa kanyang emosyon, but the fact na can-afford na niyang idinadaan ‘yon sa biro ay senyales that she’s getting there.

Intindihin na lang natin kung saan nanggagaling ang minsa’y pagka-bitter ni Angelica. Wala naman kasing closure ang paghihiwalay nila ni JLC. In short, theirs is an unfinished business.

Sana man lang kung official ang kanilang break up, as in may exact date and place where the separation took place. Kaso, waley.

Kapaniwalaan na ang gamot sa sugatang puso ay ang muling patibukin ito para sa ibang taong karapat-dapat mahalin.

Ayon na rin mismo kay Angelica, ready na siya uli to fall in love.

Magandang palatandaan ‘yon na hindi kay JLC lang umiikot at umiinog ang kanyang mundo.

Unsolicited advice nga lang para kay Angelica, she should know better next time. Kung anuman ang naging sanhi ng paghihiwalay nila ni JLC (pagde-date sa ibang babae noong mismong Valentine’s Day last year), she should learn from it.

In time, kapag nakatagpo na siya ng kapalit ni Lloydie, tiyak na tatawanan lang niya ang kanyang mga kabaliwan. Goodbye hugot lines.

Hello to another chance at love.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …