Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Precious Cejo, ginawan ng album ni Blanktape

GINAWAN ng album ng rapper/composer na si Blanktape ang singer na si Precious Cejo. Pinamagatang Ikaw Ang Dahilan, sinabi ni Blanktape na pawang love songs ang nilalaman ng naturang album.

“Opo, ako ang album producer, mga love songs ang laman ng album niya… Mga love songs na nakai-in-love. Three songs bale iyon, plus tatlong minus-one, kaya bale six lahat ang laman niyon. Iyong three songs sa album ay Ikaw Ang Dahilan by Lukas, next ay Payo, composed by Blanktape & Jayboi, and ‘yung third ay iyong Kung Mahalin Mo Lang Ako, composed by Jayboi. Ito po ay under Brader Blanktape Music,” saad ni Blanktape.

Bakit mo siya naisipang ipagprodyus ng album? Ilang album na ang na-iprodyus mo? “Kasi sa tingin ko po ay bagay sa kanya ang iba kong composition at noon pa man ay nagpo-produced na kasi talaga ako… Masaya ako kapag may nakakatrabaho akong ibang artist. Sa album po, halos lahat ng solo album ko ay ako mismo ang nag-produce. Pero ngayon lang ako nag-produce ng album sa iba. Kadalasan po kasi ay nagpo-produce ako ng single lang.”

Paano mo ide-describe si Precious as a singer?

Pahayag ng rapper na nagpasikat ng mga awiting Banana, Turuan Mo ‘Ko Nyan, at Chika Lang ‘Yon, “Si Precious, willing siya to explore, to learn more, and mayroon siyang tiyaga talaga para sa kanyang mga pangarap.

“Matagal na siyang kumakanta pero ngayon lang talaga nabigyan ng pagkakataon na makapag-record at magka-album po. She is from Butuan City at nagka-award recently si Precious sa Dangal ng Bayan Award bilang Best New Female Recording artist.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …