Saturday , November 16 2024
rape

Dalagita na-rape slay (Dumaan sa shortcut)

INARESTO ang isang lalaking suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita sa Digos City, Davao del Sur.

Ayon sa ulat ng pulisya, nitong Sabado inaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Alfonso Ignacio makaraan ituro ng kaniyang mga kaibigan na responsable sa pagkamatay ng 14-anyos biktima.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan nitong Sabado ng umaga nang balikan ng kanyang mga kaanak at kaibigan ang isang talahiban sa Brgy. Tiguman na dinaraanan shortcut ng biktima pauwi mula sa kanilang paaralan.

Napag-alaman, nakahandusay ang biktima sa damuhan at walang suot na pang-ibaba.

Halos dalawang araw nawala ang dalagita makaraang hindi umuwi sa kanilang bahay noong Huwebes, 11 Enero.

Ayon sa mga kaibigan ng suspek, ginahasa ni Ignacio ang biktima at nang matapos ay hinampas ng bato sa ulo at mukha.

May isa pang hawak na testigo ang pulisya na si Ignacio rin ang itinuturong responsable sa krimen.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong rape with homicide.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *