LUMIKAS ang umaabot sa 3,061 pamilya o 12,044 katao dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Lunes.
Kabilang sa sa mga inilikas ang mga residente mula sa bayan ng Camalig, Guinobatan at Malilipot, na nasa paanan ng Mayon, ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan.
Magkakaroon din aniya ng forced evacuation sa bayan ng Daraga at Legazpi, na apektado ng lava flow.
Gumuho ang isang lava dome ng Mayon nitong Lunes, dahilan para magkaroon ng landfall sa ilang bayan sa Albay province.
Nitong weekend, tatlong beses nagbuga ng usok at abo ang bulkan, dahilan para ilagay ito sa ilalim ng Alert Level 3.
Ang level 3 ay na-ngangahulugang maaaring magkaroon ng “hazardous eruptions” ang bulkan sa mga su-sunod na linggo o araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Habang idinideklara ang pinakamataas na alerto, Level 5, kapag sumabog na ang bulkan.