Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Kelot tiklo sa P.6-M shabu sa CamSur

ARESTADO ang isang lalaki makaraan makompiskahan ng P600,000 halaga ng shabu sa Naga, Camarines Sur, nitong Linggo ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng pu-lisya, bumili ang mga pulis ng P28,000 halaga ng shabu sa suspek na si Rodel Camaro, 36, naka-tira sa nasabing lugar.

Nang tanggapin ni Camaro ang marked mo-ney, agad siyang hinuli at nakompiskahan ng 60 gramo ng shabu sa 12 pakete, gayondin ang 50 gramo sa isang pouch.

Giit ng suspek, itinanim sa kanya ng mga pulis ang nasabing ilegal na droga

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

7 TIMBOG
SA QC DRUG
BUST

LIMANG lalaki at dalawang babae ang arestado sa magkahiwalay na ikinasang drug buy-bust operation sa 14th at 15th Avenue sa Brgy. Socorro at San Roque sa Quezon City, kamakalawa.

Sa 14th Avenue, arestado ang grupo ni Analyn Villanueva at Luis Sarsuela sa loob ng isang masikip na silid kasama sina Angelo Alvaro, Miguel Bernard at Rommel Catabian.

Nakompiska sa kanila ang siyam sachet ng shabu, tinatatayang P4,500 ang halaga.

Sinabi ng hepe ng ng QCPD Station 7 na si Supt. Benjie Tremor, notorious na drug persona-lities ang mga suspek.

Itinanggi ng mga suspek na nagtutulak sila ng droga, ngunit umaming sila ay gumagamit.

Samantala,  sa 15th Avenue, swak sa kulu-ngan sina Ruben Sarsuela at Divina Dasalla maka­ra­an makompiskahan ng anim sachet ng shabu sa buy-bust operation.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Sa pot session
PARAK NA-CURIOUS
TIKLO SA SHABU

 

ARESTADO sa mga awtoridad ang isang pulis at kanyang kasama maka­ra­an maaktohan habang bumabatak ng shabu sa Caloocan City, kamaka-lawa.

Kinilala ni Caloocan police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo ang arestadong suspek na si PO1 Ramil Daludado, nakatalaga sa QCPD District Public Safety Battalion, at ang kanyang kasamang si Teodoro Borneo.

Ayon kay Sr. Supt. Modequillo, dinakip ang mga suspek makaraan maaktohan ng mga pulis habang gumagamit ng shabu sa isinagawang “Oplan Galugad” sa 5th Avenue sa nabanggit na lungsod.

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu, aluminum foil, lighter at cellphone.

Nang tanungin si Daludado kung bakit siya nag-shabu, sinabi niyang na-curios siya at hindi niya alam na shabu pala ang hawak niya.

Nagtaka aniya siya kung ano ang makinang na nasa sachet kaya sinubukan niya itong gamitin.

Habang umamin si Borneo na dati na siyang gumagamit ng droga para lumakas ang katawan sa trabaho.

Taon 2010 nang ma-ging pulis si Daludado ngunit nag-AWOL noong 2013 dahil sa problema sa pamilya at nakabalik sa serbisyo noong 2016.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *