INALMAHAN ng jeepney group na PISTON ang kampanya ng gobyerno laban sa bulok at mausok na mga sasak-yan.
Magugunitang sinimulang hulihin ng Inter-agency Council on Traffic nitong nakaraang linggo ang mga hindi ‘roadworthy’ na pribado at pampublikong sasakyan.
Sinabi ni PISTON president George San Mateo, hindi makatao ang panghuhuli ng mga lumang jeepney dahil mahihirap ang mga driver at operator nito.
Magsasagawa aniya ang PISTON ng protesta sa mga opisina ng Land Transportation Franchi-sing and Regulatory Board sa buong bansa sa 24 Enero bilang pagtutol dito.
Layon din aniya ng kanilang nakaambang protesta na labanan ang modernization program, na ipagbabawal ang pagpasada ng mga jeep na 15 taon gulang na.
Dagdag ni San Mateo, maghahanda rin sila ng kaso laban sa gobyerno, batay sa mga rekla-mong ipararating ng mga tsuper at operator sa hotline ng PISTON.