Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Actor Spanky Manikan dies at 75

PUMANAW na ang hinahangaang veteran actor na si Spanky Manikan bandang 11:41 a.m. nitong Linggo, January 14.

He was 75 years old.

Sa Facebook posts ng ilang malalapit na kaibigan ni Spanky, nakasaad na ang mismong misis ng respetadong aktor na si Susan Africa ang nagkompirma ng malungkot na balita.

Narito ang kopya ng Facebook post ng beteranong aktor na si Joel Saracho:

“Noong Biyernes, January 12, nagkaroon ng prayer brigade sa Facebook ang mga kasamahan ni Spanky sa industriya dahil sa nabalitang kritikal na kundisyon nito.

Naka-confine si Spanky sa Makati Medical Center sa Makati City, at nakaranas pa ng “seizure” at “semi-conscious” ang beteranong actor noon, ayon sa Facebook post ng theater actress na si Gardy Labad.

August 2017 nang unang mapabalitang may stage four lung cancer si Spanky.

Isang malapit na kaibigan at kasamahan sa industriya na si Nanding Josef ang naghayag na the veteran actor went on chemotherapy.

Sang-ayon sa Facebook post ni Nanding dated August 4, 2017: “Spanky, 75 years old has been diagnosed with lung cancer, stage 4, and is in need of financial assistance.

“He has been hospitalized 4 times already for various complications which has drained family savings (Spanky’s loving wife, who has been by his side all this time is fellow actor Susan Africa-Manikan).

“Though Spanky is slowly getting better, he needs 6 more cycles of chemotherapy.

“He is still confined in the hospital for pleural (lung) fluid drainage.”

Spanky was last seen at GMA Network primetime series My Love From The Star, where he delineated the role of Mr. Jang, Matteo Domingo’s close friend that was delineated by Gil Cuerva.

The soap continued airing up to July 2017 but Mr. Spanky was forced to abandon his role because of his fast deteriorating physical condition.

Looking back, Spanky had an illustrious acting career. The public had a glimpse of his terrific acting skill when he delineated supporting roles in Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag (1975) and Bona (1985), both directed by the late acclaimed director Lino Brocka.

Unforgettable rin ang kanyang pagganap sa Himala (1981) ni Ishmael Bernal, at Broken Marriage (1983).

Itinanghal si Spanky na Best Supporting Actor ng 1981 Metro Manila Film Festival para sa Himala.

Naipamalas rin niya ang kanyang galing sa pag-arte sa telebisyon.

Sa GMA-7, ilan sa mga kinabilangan niyang teleserye ay Majika (2006), Zaido: Pulis Pangkalawakan (2007), Amaya (2011), Pari ‘Koy (2015), at Alyas Robin Hood (2017).

Napanood din si Spanky sa mga obra ng ABS CBN tulad ng Dulo Ng Walang Hanggan (2001), Krystala (2004), Lobo (2008), Tayong Dalawa (2009), May Bukas Pa (2010), Walang Hanggan (2012), Honesto (2013), Ikaw Lamang (2014), at FPJ’s Ang Probinsiyano (2016).

Nagsimula ang karera ni Spanky sa teatro at una siyang naging bahagi ng Halimaw, isang stage play sa ilalim ng produksiyon ng Philippine Educational Theater Association (PETA).

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …