PATAY ang isang matandang babae habang tatlo ang nawawala makaraan ang pagguho ng lupa at pagkabuwal ng malaking pader bunsod ng walang tigil na buhos ng ulan sa Tacloban City, kamaka-lawa ng gabi.
Kinilala ang kompirmadong namatay na si Delia Carson, 64 anyos, chief tanod ng Barangay 43-B.
Ayon sa ulat ng pulisya, lumabas ng bahay ang mister ng biktima na si Sonny Carson para tingnan ang itinuturo ng kapitbahay na pagguho ng lupa.
Hindi nagtagal, biglang bumigay ang pader sa kanilang lugar.
Nadaganan din si Sonny ng ilang natumbang kahoy ngunit nakaligtas siya at ang kanilang apo.
Tatlong iba pa ang nawawala at pinanga-ngambahang natabunan ng gumuhong lupa.
Samantala, sinabi ni Tacloban City Mayor Cristina Romualdez, iimbestigahan nila kung bakit ganoon kadaling bumigay ang malaking pader na nakapaligid sa mga bahay.
Kaugnay nito, nanawagan si Romualdez sa mga residenteng nasa landslide-prone areas na lumikas para maiwasan ang peligrong may matabunan pang muli ng guho.
Sinegundahan ito ng Office of Civil Defense, nagsabing inaasahan ang pagpapatuloy ng malakas na ulan sa lugar.