Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Doc Ramon Ramos pang-MMK ang life story!

KAPURI-PURI si Doc Ramon Ramos dahil sa kanyang mga adbokasiya sa buhay. Isa siya sa binigyan ng award ng PC Goodheart Foundation. Inusisa namin ang ukol dito, “Iyong ibinigay ng PC Goodheart Foundation ni Baby F. Go, bilang Medical Consultant sa mga charity activities niya sa mga diffrent barangays in Metro Manila. So, everytime na may mga outreach program sa mga less privilege barangays, nandoon po tayo kasama ang mga doctor na kinukuha rin sa diferrent hospitals dito sa Metro Manila,” wika niya.

Saad ni Doc. Ramon, “Doon naman sa Jesus’ Good Shepherds Sisters, for 15 years, nag-i-sponsor ako sa kanilang orphanage. That is why, of course kapag ganoon, nagbibigay sila ng karangalan sa mga tumutulong sa orphanage… ito ‘yung mga madre na nagtitinda ng mga ube sa Tagaytay at sa Baguio. That is why nang nagpunta ako sa Vatican, doon nila ako pinatira sa kombento nila roon sa Roma.

“Nang nagkakilala kami ni Baby Go, I was so fascinated, kasi siya naman ay mayroon siyang mga outreach program. Kaya natuwa rin siya sa akin dahil pareho ang aming linya sa pagtulong sa kapwa. Nang naging mag-FB friends na kami, natuwa siya dahil may doctor daw na nag-accept sa kanya. That’s the time na pinapatawag na niya ako, ini-invite niya ako. Ako naman, malapit lang naman sa Mandaluyong, ang aking klinika ay nandito lang naman sa Ortigas Center, kaya madali ko lang siyang napupuntahan.”

Okay din ba sa kanya ang mag-produce ng pelikula at pasukin ang showbiz or ipalabas ang life story niya sa MMK or Magpakailanman?

“Well, tingnan po natin,” nakatawang saad niya. “Tingnan po natin iyan kung magve-venture tayo riyan. Kasi sa ngayon, mayroon po kaming kolehiyo sa Cavite na isa po ako sa may-ari, ang Imus Institute of Science and Technology. Ang mga course roon ay kompleto, mayroon kaming Education, Accounting, HRM, Tourism, High School, at marami pa. Iyong mga courses na related sa TESDA ay mayroon na rin kami, available na rin. Kami po ang unang eskuwelahan na nag-establish sa probinsiya ng Cavite, ang Imus Institute of Science and Technology.”

Madrama ang buhay niya dahil ipinaampon siya dalawang araw pa lamang pagkapanganak ng kanyang ina. Halimbawang i-feature sa MMK o Magpakailanman ang life story niya, gusto niyang gumanap dito ay Alden Richards. Base sa kanyang karanasan, ano ang puwede niyang i-share sa mga millennials na nadiskubreang ampon sila? Tugon ni Doc Ramon, “Ang kailangan lamang ay don’t have self-pity, you have to struggle, otherwise nothing will happen to you. Huwag isipin ang past, you go… think of your future and how to help other people and that’s it. When helping other people, the people you help will help other people also. So, its win-win solution.”

“So, life must go on, huwag mong titingnan ang past mo, go for your future. That’s the way it is.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …