Thursday , December 19 2024

Direk Carlo, araw-araw dinadalaw ang puntod ni Tita Donna Villa

SA aming munting paraan ay nais naming gunitain ang first death anniversary (January 17) ng isa sa mga most loved showbiz figures na aming nakilala and became close to: si Tita Donna Villa.

Last year nang mamaalam ang mabait at press-friendly actress-tuned-film producer (sa likod ng kanilang Golden Lions Films ng kanyang kabiyak na si direk Carlo J. Caparas) sa karamdamang may kaugnayan sa kanyang reproductive organ.

Tandang-tanda namin ang araw na ‘yon, nasa kalagitnaan kami ng pagraradyo nang makatanggap kami ng isang text message mula sa isang tagapakinig. Ibinalita kasi sa GMA online ang pagpanaw ni Tita Donna.

Kaagad na tumawag ang aming radio partner sa family friend cum secretary ni Tita Donna na si Tita Nene Mercado para kompirahin ang balita.

Labis na ikinagulat ‘yon ni Tita Nene, pero agad din niya kaming binalikan sa telepono. Hindi nagtagal, nakompirma ni Tita Nene ang malungkot na balita: wala na nga si Tita Donna.

Christmas time noong 2016 pala noong ma-confine na si Tita Donna sa isang ospital sa Maynila, pero mahigpit nitong bilin ay huwag ipaalam ang krisis na pinagdaanan ng kanyang pamilya.

Tita Donna is survived by direk Carlo J at ng kanilang dalawang supling na sina Peachie at CJ. While Peachie has shown interest tulad ng sa kanyang ama, sa larangan naman ng pag-arte nalinya si CJ.

Bago pumanaw ay nagbilin na pala si Tita Donna sa kung ano ang nais niyang mangyari with her mortal remains: ang i-cremate, na ang kalahati’y ililibing in her native Cebu at ang other half ay nasa pangangalaga ng kanyang naiwang pamilya.

Kay Tita Donna umiikot ang mundo ni direk Carlo. This explains kung bakit mas pinili ng batikang nobelista-direktor na mamalagi sa Cebu kaysa manatili sa Maynila para muling harapin ang kanyang trabaho.

Nakamatayan na nga ni Tita Donna ang matagal nang in-the-can na pelikula nilang Miracles of Love, isang trilogy, sa pakikipagtulungan kay Bro. Mike Velarde ng El ShaddaiIn Golden Lions’ return to the fold, ang nasabing pelikula—na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez, among others—follow-up offering nila sa Angela Markado that starred Andi Eigenmann.

Patunay na walang kamatayan ang pagmamahal ni direk Carlo sa kanyang butihing maybahay ang ‘di niya pagliban sa puntod nito sa Mactan Memorial Garden. Si direk Carlo rin ang nag-aalay ng iba’t ibang makukulay na bulaklak doon at naglilinis ng paligid kung saan nakahimlay si Tita Donna.

Isang taon na ang nakalipas buhat nang mamaalam si Tita Donna sa mundong minahal niya at minahal din siya ng labis.

Nagdaan man ang isang taon pero buhay pa rin ang magandang alaalang iniwan ni Tita Donna whose kindheartedness had touched so many lives sa industriyang ito.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *