Saturday , November 16 2024

PCSO chair nagbitiw

NAGBITIW sa puwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office chairman Jose Jorge Elizalde Corpuz, ayon sa ulat ng  Malacañang nitong Biyernes.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, si Corpuz ay nagbitiw dahil sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

Gayonman, hindi niya binanggit ang hinggil sa kalagayan ng kalusugan ni Corpuz.

Ngunit agad inilinaw ni Roque, hindi si Corpuz ang opisyal na binanggit ni Duterte na kanyang si-sibakin.

Nitong Huwebes, si-nabi ni Duterte na may isa pang chairman ng ahensiya ang kanyang sisibakin, kasama ng ilang police official, kabilang ang tatlong heneral.

Sinabi ni Roque sa press briefing sa Malacañang, maaaring isiwalat ni Duterte ang pagkakakilanlan ng chairman na susunod niyang sisibakin, dakong hapon nitong Biyernes.

Si Corpuz ay nagbitiw makaraan ibunyag ni PCSO board member Sandra Cam, ang tinagurian niyang bonggang Christmas party ng ahensiya sa isang mamahaling hotel sa Mandalu-yong nitong Disyembre.

Sinabi ni Cam, ang PCSO ay gumastos ng halos P10 milyon sa party na ginanap sa EDSA Shangri-la Hotel.

Ngunit sinabi ni PCSO general manager Alexander Balutan, ang gastos ay umabot lamang ng P6 milyon sa kabila ng P14 milyon budget para sa nasabing party.

Bukod sa Christmas party controversy, ibinun-yag din ni Cam na karamihan umano sa small town lottery operators ng PCSO ay ginagamit ang STL bilang front ng kanilang sari-ling illegal jueteng operations.

Pahayag ni Digong
CHAIRPERSON,
3 GENERALS, 49 PULIS
SISIBAKIN

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakda niyang pagsibak sa pinuno ng isang ahensiya, tatlong heneral at 49 pulis sa susunod na mga araw bilang bahagi ng kanyang kampanya laban sa korupsiyon sa kanyang administrasyon.

“I am in the thick of firing people. I intend to fire another maybe 70 or 49 policemen and three generals for corruption… In the next few days, this is really a purging regime,” pahayag niya nitong Huwebes.

“I am firing another chairman of an entity in government maybe this week and another set of mga policemen,” aniya, idinagdag na maaaring ilaan niya ang nalalabing apat na taon sa posisyon sa paglilinis laban sa korupsiyon sa pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Biyernes, papalitan ni Duterte ang chairman ng isang government-owned and controlled corporation.

“It would appear that there’s a second chairman who may be replaced because of graft,” pahayag niya sa mga reporter sa press briefing sa Bukidnon.

Magugunitang ilang opisyal ng gobyerno ang sinibak ni Duterte dahil sa sinasabing unnecessary trips sa abroad, kabilang sina dating Dangerous Drugs Board chief Dionisio Santiago, Presidential Commission for the Urban Poor chief Terry Ridon, at Maritime Industry Authority Administrator Marcial Amaro III.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *