HINDI sumipot si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Sandiganbayan nitong Biyernes, ngunit iginiit ang pag-dismiss sa kanyang kasong kriminal hinggil sa sinasabing kanyang pagkakasangkot sa Mamasapano massacre.
Si Aquino ay naghain ng motion to quash sa Fourth Division. Ang kanyang arraignment ay muling itinakda sa 15 Pebrero.
Sinabi ng abogado ni Aquino na si Atty. Romeo Fernandez, pinayohan niya ang dating punong ehekutibo na huwag nang dumalo sa arraignment nitong Biyernes dahil sa pagbibigay sa kanilang kampo ng short notice hinggil sa pagdinig ng kanyang mosyon.
Ayon kay Fernandez, sa nasabing mosyon, iginiit nilang ang sinasabing krimeng ginawa ni Aquino ay hindi maituturing na graft at usurpation of official function.