Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ilang eksena nina JC at Ryza sa Mr. & Mrs. Cruz, buwis-buhay

KUNG drama ang matutunghayan kay JC Santos sa MMK sa Sabado, simula naman sa January 24, istorya ng pagku-krus ng landas ng mga karakter nila ni Ryza Cenon sa pelikulang Mr. & Mrs. Cruz ang ihahatid ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan.

Ang blockbuster director ng Kita Kita na si Sigrid Andrea P. Bernardo, ang muli na namang susubok sa paghahatid ng istoryang nagiging estilo na niya, ang pagkakaroon lang ng dalawang tauhan sa pelikula ang isa pang pasabog din ng Idea First Company katuwang ang Viva.

Unang pagsasama nina JC at Ryza ito pero sa trailer ng pelikula, marami na ang nakapansin sa magandang kemistri nila at sa isang eksena nga eh, may nakadama pa sa sexual tension sa kanila.

Parehong “taken” na, in the sense na may mga significant other na ang dalawa pero nang tanungin sila kung mahuhulog sila sa isa’t isa kung malaya pa sila na ma-develop sa isa’t isa, oo ang pareho nilang sagot. Pwede!

Naikuwento naman ni Direk Sigrid na literal na buwis buhay ang ilang eksenang kinunan nila sa isang isla sa Palawan, sa Secret Beach.  Na-trap kasi sila at inabutan ng high tide dahil pumasok sila sa isang cave. At sumisid silang lahat palabas nito dahil sa labas eh, napakalakas na pala ng ulan.

Tungkol sa pag-ibig, kasal, relasyon, commitment ang pelikula.

Ayon kay Ryza, ”After namin gawin ang pelikula, ang take home ko eh, ‘yung marami pa akong natutuhan at nalaman sa sarili ko. Dahil sa karakter ko as Gela. Especially sa relasyon nga.”

Thankful naman si JC sa magandang hatid ng 2017 sa kanya, lalo na sa career.

“Kaya, gusto ko munang magtuloy-tuloy siya. Kaya, kasal is farthest from my mind pa. Pati naman my girlfriend. She understands na pareho naman kami na marami pang gustong maabot in terms of out career. Kaya, alam naman namin na hindi namin puwedeng pakawalan the good opportunities that are coming our way. Siguro, isang paraan para mas mapaghandaan pa ang future namin.”

Nagkasundo kaya sina Gela at Raffy sa istoryang pinasok nila para makita at makilala ang mga sarili nila sa pakikipag-relasyon at kung ano ang naging dating ng kasal at commitment sa kanila?

Can we take a cue from them?

HARDTALK
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …