INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakda niyang pagsibak sa pinuno ng isang ahensiya, tatlong heneral at 49 pulis sa susunod na mga araw bilang bahagi ng kanyang kampanya laban sa korupsiyon sa kanyang administrasyon.
“I am in the thick of firing people. I intend to fire another maybe 70 or 49 policemen and three generals for corruption… In the next few days, this is really a purging regime,” pahayag niya nitong Huwebes.
“I am firing another chairman of an entity in government maybe this week and another set of mga policemen,” aniya, idinagdag na maaaring ilaan niya ang nalalabing apat na taon sa posisyon sa paglilinis laban sa korupsiyon sa pamahalaan.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Biyernes, papalitan ni Duterte ang chairman ng isang government-owned and controlled corporation.
“It would appear that there’s a second chairman who may be replaced because of graft,” pahayag niya sa mga reporter sa press briefing sa Bukidnon.
Magugunitang ilang opisyal ng gobyerno ang sinibak ni Duterte dahil sa sinasabing unnecessary trips sa abroad, kabilang sina dating Dangerous Drugs Board chief Dionisio Santiago, Presidential Commission for the Urban Poor chief Terry Ridon, at Maritime Industry Authority Administrator Marcial Amaro III.