Saturday , November 16 2024

Dagdag-singil sa koryente asahan sa Pebrero (Dahil sa TRAIN)

INAASAHAN ang pagtataas sa singil sa koryente simula sa Pebrero dahil sa ipatutupad na bagong buwis sa ilalim ng  Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Law.

Ngunit bago ito, may bawas-singil sa koryente ngayong Enero sa mga subscriber ng Meralco.

Ayon sa ulat, bababa ang singil sa koryente ng 53 sentimos per kilowatt hour sa bill ngayong Enero dahil sa pagbaba ng generation charge at iba pang charges.

Ang bahay na may konsumong 200 kwh hour ay makamemenos umano nang mahigit P105.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ito na ang ikalawang sunod na pagbaba sa singil sa koryente na may kabuuang 90 sentimos.

Ngunit simula sa susunod na buwan, tataas ang singil sa sandaling maramdaman ang epekto ng TRAIN law na tataas ang excise tax sa coal at mga produktong petrolyo na ginagamit na panggatong ng mga power plant para makagawa ng enerhiya.

Bukod ito sa muling ipapataw na value added tax o VAT sa transmission charge.

Sinabi ni Larry Fernandez, Head of Utility Economics ng  Meralco, mangyayari ang taas-singil kapag ipinataw ng mga supplier at National Grid Corporation of The Philippines, ang dagdag na singil sa Meralco.

“Mag-a- apply lang ‘yung excise taxes for purchases of coal this 2018. So if they have coal stocks from last year, wala pang excise tax ‘yon. Malamang magiging staggered effect ng excise tax,” sabi ni Fernandez.

Sinasabing 76 sentimos per kwh ang dagdag singil dahil sa excise tax at 7 sentimos per kwh para VAT sa transmission charge.

Ayon sa Meralco, maliit pa ang mangyayaring pagtaas kompara sa ibang distribution companies at power cooperatives dahil malaking bahagi ng supply ng Meralco ay natural gas na hindi sakop ng dagdag-buwis sa ilalim ng Train law.

Sa ilalim ng Train law, pinatungan ng P2.50 per liter na buwis ang diesel at gas. Habang itinaas sa P50 mula sa P10 per metric ton ang excise tax sa coal.

Gayonman, may panibagong yugto ng taas sa buwis sa mga produktong petrolyo sa susunod na dalawang taon.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *