Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Bongbong out, Imee in

MABIGAT ang naging pahayag kamakailan ni dating Senador Bongbong Marcos nang sabihin sa isang pulong balitaan na hindi na siya tatakbo sa Senado sa darating na midterm elections sa May 2019.

Katuwiran ni Bongbong, dinaya siya noong 2016 vice presidential race at siya ang nanalo laban kay Leni Robredo.

Mabilis ang naging konklusyon ng ilang poli­tical observer sa naging pahayag ni Bongbong, at tinukoy kaagad na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang tiyak na tatakbo sa pamilyang Marcos sa pagka-senador sa darating na halalan.

Pero mukhang mali ang ‘basa’ ng mga political observer dahil hanggang ngayon ay wala pa rin desisyon si Imee kung tatakbo siya o hindi sa midterm elections. Pinagkakaabalahan nga­yon ni Imee ang kanyang constituents sa Ilocos Norte lalo ang mga magsasaka na masigasig niyang inaalalayan.

Malinaw rin ang sinabi ni Imee na hindi pa nila napag-uusapan ng kanyang pamilya ang tungkol sa pagsabak sa senatorial race sa kabila ng pahayag ni Bongbong.

Kaya nga, kung ano man ang sinabi ni Bongbong, hindi nangangahulugan na si Imee na ang papalit na tatakbo sa pagka-senador.

Maaari rin dahilan ni Imee kung kaya’t ayaw pa talaga siyang magdesisyon ay ‘napakasikip’ na senatorial race sa 2019.  Kung titingnan mabuti napakalakas ng mga reelectionist gaya nina Senators Nancy Binay, Cynthia Villar, Grace Poe, Sonny Angara, Bam Aquino at JV Ejercito.

Tandaan nating 12 senador lamang ang kailangang manalo sa darating na 18th Congress at tiyak na labo-labo ang anim na kandidatong magtatangkang maging senador sa darating na eleksiyon. Malaking pera rin ang gugugulin kapag tumakbo sa Senado at kinakailangan nito ng makinarya at malawak na organisasyon.

Marami ang maaaring mangyari at malaking factor ng pagtakbo ni Imee ay pagbibigay ng basbas sa kanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.  Ang basbas ni Digong ang magiging daan ng pagdedeklara ni Imee bilang kandidato sa pagkasenador sa 2019 elections.

Pero sa ngayon, tingin ko malabong ‘lumundag’ si Imee na sasabak siya sa senatorial race kahit nagsalita pa ang kanyang kapatid na si Bongbong na hindi siya tatakbo dahil sa paniwalang siya talaga ang nanalo noong vice pre­sidential race.

Sa mga susunod na buwan, marami ang dapat abangan at tiyak ko na isa sa pinakamainit na isyu sa politika na pag-uusapan ang darating na 2019 midterm elections.

Abangan natin ang susunod na kabanata.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *