ISINUSUMPA ng kanyang mga kapwa artista—bata man o matanda—ang pag-uugali ng isang young actress sa pakikitungo nito sa kanila.
Himutok ng isa sa kanila, “Tama ba namang babatiin nga niya kami pero sa sahig naman siya nakatingin? ‘Kala ba namin, eh, maayos siyang pinalaki ng kanyang showbiz parents?”
Ugaling-ugali kasi ng batang aktres na ‘yon na hindi man lang titingnan ng diretso ang kanyang kausap, “Kung ‘di kabastusan ang tawag ko roon, eh, hindi ko na alam.”
Pero bigla niyang napagtanto kung bakit ganoon ang ugali ng aktres,
“Naku, magtataka pa ba kami, eh, minsan isang panahon, eh, pinairal niya ang kawalan niya ng respeto sa kanyang fudra? Anong emote noon ng fadiraka niya, naghahabol daw ito sa kinikita ng anak niya. Eh, para wala na lang masabi ang aktres na ‘yon, eh, nagtatrabaho pa rin ang fadir niya!”
Da who ang young actress na itey na ayon sa kanyang mga nakaengkuwentrong artista ay masarap hatawin ng bareta? Kahit obvious na ang clue, itago pa rin natin siya sa alyas na Celia Bartolome.
(Ronnie Carrasco III)