NAIBALIK na ang andas ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church dakong 3:00 ng madaling-araw nitong Miyerkoles, makalipas ang 22-oras makaraan magsimula ang prusisyon sa Quirino Grandstand nitong Martes ng madaling-araw.
Halos 2.5 milyong deboto ang sumabay sa 6.9-kilometer procession na nagsimula pasado 5:00 am nitong Martes mula sa Quirino Grandstand, at umabot ng 6.3 mil-yon nang makarating sa Quiapo Church kahapon ng madaling-araw, ayon sa pagtataya ng pulisya.
Ang mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nagsagawa rin ng sarili nilang religious ce-lebration, at daan-daang mga Katoliko ang nagsagawa ng kanilang prusis-yon sa kanilang rehiyon.
Ang mga deboto sa Plaza Miranda na naghintay sa Itim na Nazareno ay itinaas ang kanilang mga kamay at umawit habang paparating ang imahe.
Ayon sa Philippine Red Cross, umaabot sa 1,000 deboto ang sumama ang pakiramdam at nasugatan habang isinasagawa ang prusisyon, ang kanilang nilapatan ng lunas.
Mahigit 4,000 pulis at sundalo ang idineploy upang matiyak na ma-ging payapa ang prusis-yon, ayon kay NCRPO chief Oscar Albayalde.