Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Obvious bias ng PET justice tinuligsa ni BBM

BINATIKOS ni dating Senador Ferdinand R. Marcos, Jr. kahapon ang aniya’y “obvious bias” ni Supreme Court Associate Justice Benjamin Caguioa, ang ponente ng kanyang election protest na nakabinbin sa Presidential Electoral Tribunal (PET), laban sa kanya at pabor kay dating Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Sa kanyang pagsasalita sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, sinabi ni Marcos, ang serye ng mga desisyon na ipinalabas ng PET sa kanyang election protest ay malinaw na nagpapahiwatig ng pagiging bias ni Caguioa laban sa kanya.

“It has now become fairly obvious that his resolutions are biased against me and biased in favour my oppositor,” pahayag niya sa mga journalist sa weekly forum.

Si Caguioa ay itinalaga ni dating Pangulong Benigno Aquino III. Sila ay magkaklase mula elementarya hanggang kolehiyo sa Ateneo De Manila University.

Bagama’t ang PET ay collegial body na kinabibilangan ng 15 mahistrado ng Supreme Court,  sinabi ni Marcos si Caguioa, siyang nakatalaga sa kaso, ang nagdesisyon at nag-isyu ng minute resolutions hinggil sa kanyang protesta.

Inisa-isa ni Marcos ang ilan sa Orders na inisyu ni Caguioa na nagpapakita ng kanyang one-sidedness pabor kay Robredo. Aniya, noong Abril 2017, nagbigay ang PET sa kanya ng dalawang araw para bayaran ang kanyang inisyal na P36 million protest fee. Aniya, itinaon ito sa Holy Week na sarado ang mga banko. Sa kabila nito, nagawa niyang bayaran ang required fee sa ilalim ng PET Rules. Ang kanyang protesta ay maaaring madismis kapag hindi siya nakapagbayad sa oras.

Si Robredo sa kabilang dako, hindi nakapagbayad sa itinakdang dealine ng PET ngunit binigyan siya ni Caguioa ng extension.

“Yung aking kalaban pinagbayad siya sa counter-protest niya na P7 million pero hindi sya nagbayad. Pero binigyan siya ng extension. Pero hindi pa rin nakapagbayad at dinefer pa rin. Sa batas sinasabi kapag hindi pa nakapagbayad, idi-dismiss na yung kaso,” aniya.

Hanggang ngayon, makaraan ang siyam buwan, hindi pa rin nababayaran nang buo ni Robredo ang kanyang deposito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …