Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Junar Labrador, nag-e-enjoy sa pagsabak sa indie films

IPINAHAYAG ni Junar Labrador na masaya siya sa pagkakataon na ibinibigay sa kanya para makalabas sa indie movies. Naipapakita raw niya kasi ang kanyang talent rito bilang actor, plus, lately ay nakakopo na naman siya ng acting award.

“Yes po, nag-e-enjoy ako sa paggawa ng indie films. Una, dahil nabibigyan ako ng laya ng direktor para gawin ko kung ano ang puwedeng magpaganda sa karakter na ginagampanan ko. Plus, sa mga indie films kasi, nabibigyan ako ng pagkakataon na ipakita ang kakayahan ko bilang isang aktor.”

Wika niya, “Nanalo na naman po ako ng award sa huling movie ko. Nakatanggap din ang pelikula ng mga sumusunod na award – Outstanding Indie Film Actress, Outstanding Indie Film Young Actor, Outstanding Indie Film Young Actress, Outstanding Indie Film Child Actor, Outstanding Indie Film Child Actress, Most Promising Indie Film Child Actor, Outstanding Indie Film Director (Direk Sky Lester dela Cruz), at Outstanding Advocacy Film Producer.”

Sinabi rin niya na bagong challenge sa kanya bilang actor ang gumanap na bading dito. “Definitely bagong challenge sa akin ito, noong una nga binabago ni sir Johnny Mateo (producer) ‘yung character ng manager, gagawin nilang straight. Sabi ko huwag, gagawin ko ‘yung character ng bading na manager.”

Sino ang naging peg mo sa iyong role? Tugon niya, “Marami kasi akong naging peg sa paghahanda sa movie, una na si Raymond Bagatsing at si Ricky Davao na nakita ko ang pagganap niya bilang isang gay sa teleseryeng My Korean Jagiya ng GMA-7. Actually noon pa, hanga na ako sa mga gay roles ni Raymond Bagatsing… I just hope nagawa ko rin iyong role ko effectively.

“Nakatatawa nga, kasi talagang inaral ko kung paano kumilos at magsalita ang isang gay na hindi nagsusuot ng damit pambabae. Pagkatapos nga nag-shoot, siguro ilang araw ko rin napansin sa sarili ko na mayroon pa akong kilos bading… hahaha!” Nakatawang esplika ng actor na by profession ay isang architect.

 ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …