Saturday , November 16 2024

258 sugatan sa 4M debotong lumahok sa Traslacion

TINATAYANG umabot sa apat milyon katao ang lumahok sa Traslacion ng Poong Nazareno, ayon sa pagtataya ng mga awtoridad dakong 5:00 ng hapon habang palapit ang imahe sa Basilica sa tradisyonal na prusisyon.

Ayon sa ulat, sa nasabing bilang ay kasama na ang 500,000 katao na dumagdag sa mga sumasabay sa prusisyon makaraan ang isang oras, habang ang Traslacion ay papalapit sa simbahan.

Nabatid sa situational report ng pulisya, umabot ang bilang ng mga nasugatan sa prusisyon, sa 258 katao hanggang 4:00 pm kahapon.

Dagdag ng mga awtoridad, naging mapayapa ang prusisyon.

Asam ni Archbishop Tagle
UGNAYAN KAY KRISTO
NG DEBOTO LUMALIM PA

UMAASA si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay magkaroon ng mas malalim na relasyon kay Jesus Christ.

“May our participation in the different activities during the feast lead us in deeply knowing Jesus,” pahayag ni Tagle sa news entry sa website ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Hinikayat ni Tagle ang mga deboto na maghanda sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno “through a closer look at Jesus.”

“He is the way to the father. He is the truth that we’ve been looking for. He is the one who can give us and the society life,” ayon kay Tagle.

Nanawagan din si Tagle sa publiko na magdasal para sa ligtas na pagdiriwang ng kapistahan.

“Our prayer is for the feast to be far from harm. Let us also pray that it will be peaceful and clean,” dagdag ni Tagle.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *