Saturday , November 16 2024

Absuwelto kay Reyes ng CA iaapela (Palasyo aayuda sa Ortega case)

GAGAWIN ng Palasyo ang lahat ng paraan upang mabaliktad ang naging desisyon ng Court of Appeals (CA) na nag-absuwelto kay dating Palawan Gov. Joel Reyes sa kasong murder kaugnay sa pagpatay kay journalist at environmentalist Gerry Ortega.

“We will exercise all legal options to reverse this decision by the Court of Appeals,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing sa Palasyo kahapon.

“I find it alarming. The government will exhaust all remedies including filing first a motion for reconsideration,” giit ni Roque.

Si Roque ay dating private prosecutor sa kaso ni Ortega. Giit niya, ang naging pasya ng CA ay ganap na pagbaliktad sa naunang desisyon ng Korte Suprema na may probable cause para sampahan ng kaso si Reyes.

“There was already a decision by the lower court saying that the evidence was strong against former governor Joel Reyes,” sabi ni Roque.

Ani Roque, humingi siya ng permiso kay Pangulong Rodrigo Duterte para magbigay ng kanyang komentaryo sa kaso ni Ortega.

“This is a very sad development for freedom of the press in this country given that the murder of Gerry Ortega is a classic case of extra-legal killing,” dagdag ni Roque.

Tatalakayin ni Roque ang Ortega case kina Solicitor General Jose Calida at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

 (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *