IBEBENTA ng gobyeno ang ilang casino na pinangangasiwaan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang makalikom ng pondo.
Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, ang pagsasapribado ng mga casino ng PAGCOR ay matatapos sa mga susunod na buwan.
Hindi aniya madali ipagbili ang mga casino dahil may mga kontrata na dapat isaalang-alang.
“It is not a simple selling of goods because there are lot of complicated contracts involved,” ani Dominguez.
Tututukan aniya ng PAGCOR ang regulatory functions nito bilang state gaming corporation.
“Basically, the goal is to separate the operating function of PAGCOR from its regulatory function,” dagdag niya.
Isang draft executive order ang isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa planong privatization ng 17 PAGCOR-operated casino.
(ROSE NOVENARIO)