Tuesday , December 24 2024

16,500 pumila sa pahalik sa Nazareno (AFP kasado sa Traslacion)

UMABOT sa 16,500 katao ang tinatayang bilang ng mga deboto ng Itim na Nazareno, na nasa paligid ng Quirino Grandstand bandang 9:30 am nitong Lunes, ayon sa ulat ng Manila Police District.

Umakyat ang bilang mula sa tinayang 3,000 dakong 5:00 ng madaling araw, na pumalo sa 10,000 dakong 6:00 am.

Nagsimula ang pahalik sa Poong Nazareno bago mag-8:00 am, pagkatapos ng misa para sa volunteers at mga tauhan ng pulisya at Metro Manila Development Authority (MMDA) na tutulong sa Traslacion.

Unang binigyan ng pagkakataon ang volunteers at enforcers na makapila sa pahalik bago buksan sa mga nakapilang deboto.

Ayon kay Fr. Ricardo Valencia Jr., pagkilala ito sa mga volunteer na hindi nabibigyan ng pagkakataon makasama sa pahalik dahil diretso na sila sa pagbabantay.

Bago ito, nainip ang ilang mga deboto na pumila mula pa nitong weekend at nanawagan na pabuksan nang maaga ang pahalik.

Marami sa kanila ang naglatag at natulog sa gitna ng mga plastic barrier.

Madaling-araw pa lang, inabot na hanggang sa Roxas Boulevard ang pila ng mga naghihintay.

Samantala, nagpaalala ang kura paroko na si Msgr. Hernando Coronel ng Minor Basilica of the Black Nazarene, sa mga kabataan o millennials na iwasang gumawa ng “daredevil stunts” o gawing tila surfing ang pagsampa sa andas ng Nazareno sa Traslacion.

Kasabay nito, hinikayat niya ang mas matatandang deboto na gabayan ang mga kabataan.

Ayon kay Msgr. Coronel, “excessive devotion” ang gawain ng ilang mga deboto na pinupuna bilang panatisismo.

Inihalintulad niya ito sa pagmamahal sa isang kapamilya o kasintahan na gagawin ang lahat para mapasaya lalo sa espesyal na okasyon.

Samantala, tiniyak ng Armed Forces of the Philippines sa publiko nitong Lunes, na nakahanda sila sa posibleng mangyari sa gaganaping Traslacion ng Itim na Nazareno ngayong Martes.

Sinabi ni Joint Task Force-National Capital Region commander Brigadier General Allan Arrojado, nag-deploy sila ng grupo ng mga sundalo na bihasa sa mass casualties sakaling may maganap na stampede.

“Stampede, ‘yun ang pinakanaiisip nating worst case scenario so marami talagang mababalian diyan, magkaroon ng casualty, injuries, para at least magkaroon tayo ng systematic evacuation or first aid doon sa area, under sa leadership ng pulis,” pahayag ni Arrojado.

Aniya, ang militar ay nasa erya para suportahan ang mga pulis.

Sinabi niyang bukod sa mass casualties unit, kabilang din sa 1,442 sundalo na itatalaga sa prusisyon ang decontamination unit, security and crowd control unit, intelligence unit, emergency preparedness and response forces, communication unit, food preparation, search and rescue unit, at medical unit. Kabilang din sa deployment ang 500 reservists.

Nang itanong kung magtataas sila ng red alert, negatibo ang tugon ni Arrojado.

“Wala kaming na-monitor na terror attacks then siyempre it’s possible kaya we are on heigh-tened alert or blue alert. (Hindi kami mag-raise ng red alert) wala namang ganoong plano,” aniya.

Umaasa aniya sila na magiging payapa ang Traslacion.

“Of course lahat naman hoping for the best, but preparing for the worst. At least I’m glad na ‘yung kasama dito beterano na sa deployment, ang staff and personnel ko, any changes or situation at least I can adjust properly,” aniya.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *