IPAGBABAWAL sa mga deboto ang pagtambay sa Jones Bridge sa Maynila upang hintayin ang pagdaan doon ng Itim na Nazareno sa “Traslacion” ngayong Martes, pahayag ng isang opisyal nitong Linggo.
“Kaya naman niyang (tulay) i-withstand ang weight ng mga tao. Pero ngayon, mayroon tayong binagong regulation — na walang mag-iistambay. Puwedeng daanan, pero walang istambay muna doon sa bridge,” ayon kay Johnny Yu, director ng city disaster office.
“Ang mangyayari, bago dumating ang andas, wala nang nakais-tambay sa bridge. Pagdaan ng andas, saka nila bubuksan iyan para tuloy-tuloy ang takbo ng andas,” dagdag niya.
Bukas, Martes, idaraos ang prusisyon ng Itim na Nazareno mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.
Nakapuwesto na ang 26 medical stations sa ruta ng Traslacion, ayon kay Yu.
Aniya, nasa 500 deboto ang nakararanas ng heat stroke, pagod at stress sa prusisyon kada taon