Saturday , January 11 2025

Roselle, tinawag na Meryl Streep ng ‘Pinas si Sylvia; Mother Lily, ipapasa ang korona sa pagpo-produce

HINDI pa man naipalalabas ang pelikulang pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez sa Regal Entertainment, ang Mama’s Girl, na mapapanood sa Enero 17, heto’t inaalok muli siya ni Mother Lily Monteverde na gumawa na naman sila ng pelikula.

Sobra-sobra kasi ang paghanga ng Regal Matriarch sa aktres kaya naman gusto nitong makatrabaho muli ang aktres na sa kanyang kuwadra nagsimula.

Ani Mother kay Ibyang (tawag kay Sylvia), ”matalino kang tao, nalaro mo ng tama ang industriya.”

Kaya naman bukod sa paggawa muli ng pelikula sa Regal, ineenganyo rin ni Mother Lily na mag-produce ng pelikula ang magaling na aktres.

“Mag-prodyus ka na (pelikula),” giit ni Mother. ”Ituturo ko sa iyo ang lahat-lahat. Tutulungan kita. Huwag lang tayong magsosyo kasi baka mag-away tayo,” nangingiting sambit pa ng mabait na prodyuser. Kaya masasabing, kay Ibyang ipapasa ni Mother ang korona sa pagpo-prodyus.

Hindi mapasusubaliang malaki ang tiwala ni Mother Lily kay Ibyang dahil ang Mama’s Girl ang opening salvo ng Regal para sa 2018.

Bale ba, kilala rin si Mother Lily sa paggawa ng mga pelikula para sa mga ina na ipinalalabas tuwing Mother’s Day o tuwing Mayo. Kaya naman ang sabi ng marami, ang Enero na ang buwan ng Mother’s Day.

“We want to start the year right by giving our audience something that will inspire them more to embrace change, make more time for the people who matter the most and live life to the fullest,” sambit naman ni Roselle Monteverde na malaki rin ang paghanga at tiwala kay Ibyang.

Giit nga ni Roselle, si Ibyang ang Meryl Streep ng Pilipinas.

Malaking blessings naman kung ituring ni Sylvia ang unang pelikula niya sa Regal. “Napakasarap sa puso na maging bahagi ng isang proyekto na alam mong may magnandang mensahe para sa mga manonood. Kung sa ‘The Greatest Love’ at ‘Hanggang Saan’ ay nakita n’yo ako bilang isang martir na ina na isasakripisyo ang lahat para sa anak, dito sa ‘Mama’s Girl’ ibang tipo naman ng nanay ang makikilala nila—fighter siya!”

Umaasa rin si Sylvia na marami ang makare-relate sa pelikula niya lalo na ang mga ina at anak na babae.  Sa pamamagitan kasi ng pelikulang ito, ang ma magulang at mga anak na millennial ay maiintindihan ang kani-kanilang journey.

“Single mom man o hindi, lahat ng nanay ay magsasabing naranasan o nararanasan nila ang pinagdaanan ni Mina (ang kanyang karakter). ‘Yung punto ng buhya mo na mapapaisip ka kung anong nangyari sa anak mo at sa relasyon n’yong mag-ina. Napabuti ka nga ba dahil sa akin o mas napasama pa? Siguradong hindi ka lang iiyak sa mga eksena rito kundi mapapaisip ka tungkol sa etado ng iyong pamilya,” susog pa ni Sylvia.

Kasama rin sa pelikula sina Sofia Andres, Diego Loyzaga, at Jameson Blake na idinirehe naman ni Connie S. A. Macatuno. Kasama rin dito sina Yana Asistio, Heaven Peralejo, Karen Reyes, Arlene Muhlach, Allan Paule, Alora Sasam, at iba pa.

KRIS, NAGHAHANAP
NA NG PAGTATAYUAN
NG OPISINA
(sa paglaki ng negosyo
at online company)

MAITUTURING na matagumpay na negosyante na si Kris Aquino dahil umabot na pala sa 10 sangay ang kanilang Potato Corner at Nacho Bimby.

Ani Kris nang minsang makahuntahan ito pagkatapos ng pa-block screening niya ng Siargao na pinagbibidahan ni Erich Gonzales, (na palabas pa rin hanggang ngayon) pinakamabili ang branch ng Potato Corner at Nacho Bimby sa pinakauna nilang branch, ang Promenade, Greenhills. Sumunod dito ang Gateway Mall, at pagkatapos ay ang Uptown BGC.

Naikuwento pa ng tinaguriang Queen of Online World and Social Media na hindi na sila naglabas ng puhunan ng kanyang mga kasosyo para sa huling tatlong bagong sangay ng Potato Corner at Nacho Bimby.

“Hindi na kami naglabas ng pera, pinaikot na namin, nanggaling na sa pito (branches). At pagdating ng May, 14 (branches) na kami kasi may franchise na,” masayang kuwento ni Kris.

Bukod dito, ang ikatlong Chowking branch naman niya sa Araneta Avenue ay magbubukas na sa Enero 15. May Chowking branch na si Kris sa AliMall at sa Welcome Rotonda.

At dahil lumalaki na ang negosyo ni Kris dagdag pa ang pagdami ng brand partners ng kanyang online company, gayundin ng mga tauhan, plano niyang magpatayo ng building para sa kanyang opisina. Malaki na rin kasi ang kinikita ng KCA Productions, ang kanyang online company.

Kaya naman naghahanap siya ng lupa na malapit lamang sa kanyang tinitirhan, sa may Green Meadows.

“May nakita sila mga 240 sq/m. Ang requirement ko sa kanila, ayokong lumagpas sa Padre Pio (church) at Temple Hill. So, the fact na we can afford to move somewhere na ganoon kalaki ang area, it means na lumalaki na talaga,” sambit ni Kris.

At dahil sa tagumpay ng online company at negosyo ni Kris, natanong siya kung nais pa ba niyang bumalik sa telebisyon.

“You know what, I’m realistic kasi it’s a risk for any network to take me on kasi naman baka pag-initan pa sila, so okay na! I had this discussion with my sisters noong tinatanong nila ako, ‘have you really adjusted?’ Sabi ko, ‘You know, the only thing that make me feel that life is so okay is because we now have 22 endorsements and more.”

‘Yun na!

PUSONG LIGAW,
LIMANG
ARAW NA LANG

SAPAT na ba ang pag-ibig para muling mahanap ang tamang landas ng mga pusong ligaw?

Kumapit na sa pagtatapos na hindi mo dapat palampasin ngayong linggo sa hit afternoon serye na Pusong Ligawat tunghayan kung ano ang kahihinatnan ng kuwento nina Tessa (Beauty Gonzales), Marga (Bianca King), Caloy (Joem Bascon), Ira (Diego Loyzaga) at Vida (Sofia Andres), mga pusong minsang nalihis ang landas dala ng galit, inggit, at poot.

Tuloy pa rin ang paghahanap nina Tessa at Caloy ng sagot kung totoo bang sina Marga at Leon (Albie Casino) ang tunay na may sala sa pagkamatay ng ina ni Tessa at Rafa. Nadagdagan pa ang kanilang tanong nang pinili ni Marga na magtago kaysa harapin ang mga kasalanang ibinibintang sa kanya.

Hindi naman mapakali si Vida kung tatahimik lang siya o sasabihin ba niya kina Caloy at Tessa ang nalamang katotohanang si Jaime (Raymond Bagatsing) ang tunay na mastermind at pinaikot lamang niya sina Marga at Leon.

Puno man ng galit ang puso, unti-unti nang gumagaan ang loob ni Ira para kay Tessa sa sunod-sunod na nakikita niyang pagpupursige ng ina.

Senyales na ba ito ng pagpapatawad niya sa ina? Ngayong nalagay muli sa alanganin  ang buhay nina Tessa at Caloy, may puwang pa ba ang kapatawaran sa puso ni Tessa para sa dating kaibigan o tuluyan na niya itong ibaon sa limot?

Huwag palampasin ang huling limang araw ng Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *