TUTUGISIN ng traffic officials ang palyadong public utility vehicles (PUVs) sa pagsisimula ng “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila nga-yong Lunes.
Ang kampanya ay “360-degree check of PUVs roadworthiness,” ayon kay Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT) Communications and Administrative Services Head Elmer Argano.
Ang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” program ay i-Act kick-off campaign para sa 2018, bilang suporta sa PUV moder-nization program ng pamahalaan, pahayag ni Argano.
Sinabi ni Argano, ang programa ay ilulunsad sa tatlong pangunahing kalsada: sa EDSA, Commonwealth Avenue, at Marcos Highway.
“Tomorrow’s activity will basically be a ‘war-ning shot’ to public utility motorists and operators to comply with roadworthy standards,” aniya.
“Because a day after, they shall be issued summons requesting explanation why their license and franchise should not be suspended or revoked,” dagdag niya.
Nauna rito, inilunsad ng Department of Transportation (DOTr), ang PUV modernization program, naglalayong isamoderno ang mga sasakyan na bumibiyahe sa mga kalsada ng bansa.
Sa nasabing programa, ang PUV ay dapat makapasa sa mas mataas na safety standards at maaaring makapagpatuloy ng operasyon.