NASABAT mula sa isang Chinese national sa Lucena City ang daan-daang kahon ng pekeng sigaril-yo, P1.3 milyon ang halaga, nitong Sabado.
“We received an information [na] mayroong mga nagkalat na pekeng sigarilyo then mayroong nag-complain na nakabili siya ng pekeng sigarilyo,” ayon kay Senior Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Quezon police.
Habang depensa ng suspek na si Andy Hong, alam niya umanong “Class A” ang mga hawak niyang sigarilyo ngunit hindi niya alam na bawal itong ibenta.
Sinabi ni Hong, dalawang linggo pa lang si-yang sangkot sa panga-ngalakal ng pekeng siga-rilyo.
Nagpositibong peke ang sigarilyo makaraan dumaan sa beripikasyon ng isang kinatawan mula sa isa sa mga kompanyang ginagaya nina Hong.
Nagpadala rin ng sampol ang pulisya sa mga kompanya ng siga-rilyo para alamin ang tunay na komposisyon o mga sangkap nito.
“Hindi ito dumaan sa quality control dahil ito ay peke,” ani Armamento.
Habang tinututukan ng pulisya ang posibi-lidad na may iba pang kasabwat si Hong sa ilegal na pangangalakal.
Ang suspek ay hahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.
Nasa kustodiya ng Lucena City Police Station ang mga kahon ng pekeng sigarilyo.