INIANUNSIYO na ni Dennis Evangelista, isa sa pinagkakatiwalaang adviser/executive producer ng BG Production International na pag-aari ng businesswoman na si Ms. Baby Go, ang mga pelikulang naka-line-up nila para sa taong ito.
Actually, ngayong hapon (Jan. 8) iaanunsiyo ang opening salvo ng films na gagawin ni Ms. Baby para sa simula ng 2018.
Ayon sa post ni Dennis: Bonggang media announcement ang magaganap bukas January 8 tungkol sa mga bagong proyekto na inihahanda ng BG Productions International with CEO Baby F. Go.
Ano kayang mga bagong pelikula ang nakatakdang gawin ng mga award-winning directors na sina Direk Joel Lamangan, Louie Ignacio at Mel Chionglo para sa taong 2018? Kaabang-abang din ang ipapakitang teaser ng “Almost A Love Story” directed by Louie Ignacio at “Latay” ni Ralston Jover. #bgproductionsinternational
Nang huli naming nakapanayam ang lady boss ng BG Production bago nagtapos ang year 2017, sinabi ni Ms. Baby na abangan ang kanilang mga pasabog para sa pagpasok ng bagong taon.
“Abangan n’yo iyan, marami kaming pasabog, pero hindi pa puwedeng sabihin ngayon. Inaayos pa kasi, under negotiation pa yung iba.”
Sa kasalukuyan, dalawang pelikula ang sinisimulan ng movie company ni Ms. Baby, ang Latay at Almost A Love Story. Ang Latay, tampok ang award winning actor na si Allen Dizon ay tumatalakay sa istorya ng isang battered husband na promdi. Ito ay sa direksiyon ng internationally acclaimed filmmaker na si direk Ralston Jover.
Ang Almost A Love Story naman ay pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Lotlot de Leon at Ana Capri, mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio, katatapos lang ng shooting nito sa Italy. Ang naturang pelikula ay reunion movie rin nina Barbie, Ana at Direk Louie na nagkasama-sama sa Laut. Dito rin nanalo ng awards sina Barbie at Ana.
Ang Almost A Love Story ay hudyat din ng pagpasok ng BG Productions sa mainstream movie. Ang movie company ni Ms. Baby ay nakilala sa mga dekalibre at award-winning films tulad ng Lauriana, Lihis, Child Haus, Laut, Iadya Mo Kami, Area, at iba pa.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio