Monday , April 7 2025

Ministro ng INC ‘tumira’ ng katorse

LEMERY, Batangas – Inireklamo ng isang 14-anyos dalagita ng pangmomolestiya ang isang ministro ng Iglesia ni Cristo sa bayang ito, nitong Sabado.

Kasama ang kanyang lola, isinalaysay ng biktimang si Carina na inimbitahan siya ng suspek na si Thomas Boyles, 59, sa isang counseling bilang parte ng doktrina ng INC.

Ngunit imbes sa chapel, dinala umano siya ng suspek sa isang beach resort sa Brgy. Nonong Casto, Lemery sakay ng personal na sasakyan ng ministro.

At habang nag-uusap umano sila, bigla siyang pinaghahalikan ng suspek sa labi at pisngi habang hawak ang kanyang mga kamay.

Dagdag ng biktima, nagpumiglas umano siya at tumutol sa ginagawa ng suspek.

Nang makauwi, agad siyang nagsumbong sa kanyang lola.

Sa follow-up operation ng mga awtoridad, pinuntahan ng mga pulis ang suspek sa INC Chapel sa Brgy. Sangalang, Lemery ngunit hindi natagpuan doon nitong Linggo ng madaling-araw.

Wala pang komento ang panig ng INC hinggil sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

DOST FISMPC New App to Connect, Support, and Promote Filipino Inventors Nationwide

New App to Connect, Support, and Promote Filipino Inventors Nationwide

Manila, Philippines – The Filipino Inventors Society Multi-Purpose Cooperative (FISMPC), supported by the Department of …

Chavit Singson Richelle Singson Ako Ilokano Ako Partylist

Ako Ilocano Ako Partylist suportado ng Transport groups

MAHIGIT 300 kinatawan mula sa mga pangunahing grupo ng transportasyon—kabilang ang Stop and Go Transport …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist nagsusulong nang mas mataas na sahod para sa daycare workers

ISINUSULONG ng TRABAHO Partylist ang mas matibay na mga polisiya upang mapabuti ang seguridad sa …

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *