Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lespu tinangayan ng motorsiklo… Dalawang tirador kalaboso!

ARESTADO ang dalawang lalaki nang maaktuhan ng Manila Police District(MPD) na tinutulak ang ninakaw na motorsiklo kamakalawa ng umaga sa Tundo Maynila.

Kinilala ni MPD Station 1 commander Supt Jay Dimaandal ang mga suspek na sina Isagani Dalena 29-anyos, assistant cook at residente ng 1647 Int.8 F. Varona st at Rodbey Pusiso 26 ng 1603 Int 4 F.Varona Tundo Maynila.

Ayon kay MPD PS1 Investigation section P/Insp Sugui, nganap ang insidente dakong 5:30am sa kahabaan ng Panday Pira st Tundo kung saan tinangay ng mga suspek ang isang Yamaha Mio Soul na may plakang XO3625 na pag-aari ng isang pulis na si PO2 Eric Madarang ng QCPD Kampo Krame.

Masuwerte namang namataan ng kaanak ng biktima ang pagtangay ng motorsiklo ni Madarang at mabilis na humingi ng saklolo sa barangay na agarang nag-paayuda kay Supt Dimaandal.

Kasunod nito, mabilis na rumesponde ang mga tauhan ni Dimaandal kung saan inabutan pa sa kabilang kalsada na tinutulak ng dalawang suspek ang tinangay na motorsiklo.

Sa kapanayam sa dalawang suspek ay kapwa inamin nman nito ang ginawang krimen, dipensa ng mga suspek ay ‘napagtripan! lamang raw nila na tangayin ang motorsiklo bunsod ng kanilang kalasingan, bagay na hindi lulusot sa batas at otoridad.

Nabatid rin sa otoridad na drug personality rin umano ang isa sa dalawang suspek na may kinalaman sa kalakaran ng iligal na droga.

Kasalukuyang nakapiit sa nasabing himpilan ang mga suspek habang narekober naman ang ninakaw na motorsiklo.

(BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …