Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, naghahanap na ng pagtatayuan ng opisina (sa paglaki ng negosyo at online company)

MAITUTURING na matagumpay na negosyante na si Kris Aquino dahil umabot na pala sa 10 sangay ang kanilang Potato Corner at Nacho Bimby.

Ani Kris nang minsang makahuntahan ito pagkatapos ng pa-block screening niya ng Siargao na pinagbibidahan ni Erich Gonzales, (na palabas pa rin hanggang ngayon) pinakamabili ang branch ng Potato Corner at Nacho Bimby sa pinakauna nilang branch, ang Promenade, Greenhills. Sumunod dito ang Gateway Mall, at pagkatapos ay ang Uptown BGC.

Naikuwento pa ng tinaguriang Queen of Online World and Social Media na hindi na sila naglabas ng puhunan ng kanyang mga kasosyo para sa huling tatlong bagong sangay ng Potato Corner at Nacho Bimby.

“Hindi na kami naglabas ng pera, pinaikot na namin, nanggaling na sa pito (branches). At pagdating ng May, 14 (branches) na kami kasi may franchise na,” masayang kuwento ni Kris.

Bukod dito, ang ikatlong Chowking branch naman niya sa Araneta Avenue ay magbubukas na sa Enero 15. May Chowking branch na si Kris sa AliMall at sa Welcome Rotonda.

At dahil lumalaki na ang negosyo ni Kris dagdag pa ang pagdami ng brand partners ng kanyang online company, gayundin ng mga tauhan, plano niyang magpatayo ng building para sa kanyang opisina. Malaki na rin kasi ang kinikita ng KCA Productions, ang kanyang online company.

Kaya naman naghahanap siya ng lupa na malapit lamang sa kanyang tinitirhan, sa may Green Meadows.

“May nakita sila mga 240 sq/m. Ang requirement ko sa kanila, ayokong lumagpas sa Padre Pio (church) at Temple Hill. So, the fact na we can afford to move somewhere na ganoon kalaki ang area, it means na lumalaki na talaga,” sambit ni Kris.

At dahil sa tagumpay ng online company at negosyo ni Kris, natanong siya kung nais pa ba niyang bumalik sa telebisyon.

“You know what, I’m realistic kasi it’s a risk for any network to take me on kasi naman baka pag-initan pa sila, so okay na! I had this discussion with my sisters noong tinatanong nila ako, ‘have you really adjusted?’ Sabi ko, ‘You know, the only thing that make me feel that life is so okay is because we now have 22 endorsements and more.”

‘Yun na!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …