Saturday , November 16 2024

Ayon sa DICT: 3rd telco pasok sa Marso

TINIYAK ng Department of Information and Communications Technology nitong Linggo sa publiko na magiging operational ang pangatlong telecommunications player sa Marso, ayon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, upang sirain ang “duopoly” sa industriya.

Sinabi ni DICT officer-in-charge Eliseo Rio, Jr., ang estruktura para sa “terms of reference” sa pagpili ng third player ay binubuo na.

“Magkakaroon tayo ng third player in three months… maa-identify na natin at puwede nang mag-umpisang mag-o-perate by end of March. So, gumagawa na kami ng terms of reference para sa pagpili o kung sino ‘yung third telco na ‘yan.”

Nitong Disyembre ng nakaraang taon, sinabi ng Malacañang, nais ni Pangulong Duterte na simulan ng third telco player ang pagkakaloob ng serbisyo sa consumer sa unang quarter ng 2018.

Inatasan ni Duterte ang DICT at ang National Telecommunications Commission na aprubahan ang aplikasyon at lisensiya sa loob ng pitong araw makaraan maisumite ang kompletong requirements, at binalaan ang mga korte na huwag “makikialam” at huwag patatagalin ang proseso.

Ang China Telecom Corporation Limited ang napili ng Chinese government na makapasok sa Philippine telecommunications industry bilang third player, ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

Gayonman, ang kompanya ay kailangan maging partner ng Philippine firm dahil nililimitahan ng 1987 Constitution ang foreign ownership ng telecommunication entity sa 40 porsiyento lamang, at inirereserba ang 60 porsiyento sa Filipino citizens o korporasyon.

“Isa ‘yun sa mga kandidato dahil wala pa talagang pag-a-award na nangyari. Pero ‘yung China telecom, ang pipili hindi ang gobyerno, hindi kami. Ang pipili sa kanila ‘yung private telco natin na interesadong maging third player.”

Punto ni Rio, ang nasabing desisyon ay pribado. “‘Yun ay hindi pwedeng pakialaman ng gobyerno.”

Samantala, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang ibang foreign firms ay magkakaroon ng pagkakataon na maging third telco player kung ang China at Chinese corporation  ay umatras sa kasunduan.

Kaugnay nito, ang Philippine Telegraph & Telephone Corp. (PT&T) ay sinasabing nasa “advance stage” na ng talakayan sa partnership deal sa South Korean telecommunications firm.

“Ang mangyari ho bakit dalawa ‘yung mag-a-apply na gustong maging third player? Isa ho sa partner niya China Telecom. Ang isa namang grupo ang partner nila Korean, Japanese, US, Australia. Magkakaganyan ho ang mangyari at pipili ho kami ng pinakamahusay na puwedeng makipagkompetensiya sa Globe and Smart,” paliwanag ni Rio.

Sa 1-year prepaid
load validity
6 MONTHS GRACE
PERIOD SA TELCOS
IBINIGAY NG DICT

NAGBIGAY ang Department of Information and Communications Technology (DITC) sa telecommunication companies ng six-month grace period para ipatupad ang isang-taon validity ng prepaid loads na mas mababa sa P300.

Ang expiry date ng hindi nagamit na prepaid credits ay pinalawig nang isang taon simula 5 Enero, sa pamamagitan ng Joint Memorandum Circular No. 05-12-2017 ng DICT, National Telecommunications Commission (NTC), at Department of Trade and Industry.

Inamiyendahan ng DICT-led joint circular ang NTC Memorandum Circular No. 03-07-2009 o Guidelines on Prepaid Loads na mayroong expiry scheme: over P300 prepaid load – 120 days; P250 to P300 – 75 days; P150 to P250  – 60 days; P100 to P150 – 45 days; P50 to P100 – 30 days; P10 to P50 – 15 days, at P10 or lower – three days.

Sinabi ni DICT officer-in-charge Eliseo Rio, ang nasabing six-month grace period ay naglalayong bigyan ang telcom ng panahon para i-adjust ang kanilang software, ngunit nagbabala na sila ay parurusahan kapag hindi tumalima.

Dagdag niya, dito masusubukan ang kompetisyon sa pagitan ng tinaguriang “duopoly” ng PLDT Smart Communications at Globe Telecom, Inc.

“Mag-a-adjust [sila] sa kanilang software at ite-test pa ho nila, dapat i-test nila at ‘yun nga ho humihingi sila ng mga six months. Pero sabi namin sa kanila, sige six months, kung hindi ninyo matupad, doon kayo mape-penalize,” pahayag ni Rio.

“Dapat ngayon pa lang nag-aapura na kayo mag-comply, kasi ‘yung pinakaunang maka-comply, siguradong dudumugin siya ng subscriber na hindi naka-comply agad…” aniya.

Aniya, ang six-month grace period ay masyadong matagal, ngunit kung may tunay na kompetisyon, mag-uunahan sila sa pagpapatupad nito.

“At kung sabay-sabay nilang paaabutin pa ng six months ang pag-a-adjust, ay talagang klarong-klaro na ho na may duopoly … at hindi nagko-compete,” aniya.

Sa kabilang dako, humingi si Rio ng paumanhin sa prepaid subscribers sa pagkabigo ng DITC na tugunan ang inaasahan sa minimum load validity.

“Unang-una humihingi kami ng paumanhin sa publiko na ‘yung expectation nila nabulabog at hindi namin nagawa ‘yung aming nasabi… Nagkaroon tayo ng Christmas season at noong paglabas natin ng Christmas season nagkakaroon ng mukhang maging delikado po ‘pag ating apurahin lalo na ‘yung three-day na load lang dahil milyon-milyon ho ‘yun… ‘e baka ho mag-crash ‘yung sistema ng loading system ng telcos,” aniya.

“‘Pag nag-load ka no’ng January 5 may three months ang validity … within the three months, nakapaggawa ho sila ng adjustment, so walang problema ‘yun, in fact ho ang umiiral na ho ‘yung sa P300, one year na ho ‘yan… so ‘yung sunod na problema ‘yung one month na palagay ko ‘yun ang kanilang gagawan ng paraan as soon as possible. Ang pinakamabusisi ‘yung three days,” dagdag niya.

Gayondin, sinabi ni Rio, inatasan ng DITC ang NTC na masusing i-mo-nitor at tugunan ang mga reklamo hinggil sa nawa­walang prepaid loads.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *