Tuesday , December 24 2024
DICT Department of Information and Communications Technology

6 months grace period sa telcos ibinigay ng DICT (Sa 1-year prepaid load validity)

NAGBIGAY ang Department of Information and Communications Technology (DITC) sa telecommunication companies ng six-month grace period para ipatupad ang isang-taon validity ng prepaid loads na mas mababa sa P300.

Ang expiry date ng hindi nagamit na prepaid credits ay pinalawig nang isang taon simula 5 Enero, sa pamamagitan ng Joint Memorandum Circular No. 05-12-2017 ng DICT, National Telecommunications Commission (NTC), at Department of Trade and Industry.

Inamiyendahan ng DICT-led joint circular ang NTC Memorandum Circular No. 03-07-2009 o Guidelines on Prepaid Loads na mayroong expiry scheme: over P300 prepaid load – 120 days; P250 to P300 – 75 days; P150 to P250  – 60 days; P100 to P150 – 45 days; P50 to P100 – 30 days; P10 to P50 – 15 days, at P10 or lower – three days.

Sinabi ni DICT officer-in-charge Eliseo Rio, ang nasabing six-month grace period ay naglalayong bigyan ang telcom ng panahon para i-adjust ang kanilang software, ngunit nagbabala na sila ay parurusahan kapag hindi tumalima.

Dagdag niya, dito masusubukan ang kompetisyon sa pagitan ng tinaguriang “duopoly” ng PLDT Smart Communications at Globe Telecom, Inc.

“Mag-a-adjust [sila] sa kanilang software at ite-test pa ho nila, dapat i-test nila at ‘yun nga ho humihingi sila ng mga six months. Pero sabi namin sa kanila, sige six months, kung hindi ninyo matupad, doon kayo mape-penalize,” pahayag ni Rio.

“Dapat ngayon pa lang nag-aapura na kayo mag-comply, kasi ‘yung pinakaunang maka-comply, siguradong dudumugin siya ng subscriber na hindi naka-comply agad…” aniya.

Aniya, ang six-month grace period ay masyadong matagal, ngunit kung may tunay na kompetisyon, mag-uunahan sila sa pagpapatupad nito.

“At kung sabay-sabay nilang paaabutin pa ng six months ang pag-a-adjust, ay talagang klarong-klaro na ho na may duopoly … at hindi nagko-compete,” aniya.

Sa kabilang dako, humingi si Rio ng paumanhin sa prepaid subscribers sa pagkabigo ng DITC na tugunan ang inaasahan sa minimum load validity.

“Unang-una humihingi kami ng paumanhin sa publiko na ‘yung expectation nila nabulabog at hindi namin nagawa ‘yung aming nasabi… Nagkaroon tayo ng Christmas season at noong paglabas natin ng Christmas season nagkakaroon ng mukhang maging delikado po ‘pag ating apurahin lalo na ‘yung three-day na load lang dahil milyon-milyon ho ‘yun… ‘e baka ho mag-crash ‘yung sistema ng loading system ng telcos,” aniya.

“‘Pag nag-load ka no’ng January 5 may three months ang validity … within the three months, nakapaggawa ho sila ng adjustment, so walang problema ‘yun, in fact ho ang umiiral na ho ‘yung sa P300, one year na ho ‘yan… so ‘yung sunod na problema ‘yung one month na palagay ko ‘yun ang kanilang gagawan ng paraan as soon as possible. Ang pinakamabusisi ‘yung three days,” dagdag niya.

Gayondin, sinabi ni Rio, inatasan ng DITC ang NTC na masusing i-mo-nitor at tugunan ang mga reklamo hinggil sa nawa­walang prepaid loads.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *