Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pia Wurtzbach
Pia Wurtzbach

Pia humingi ng dispensa (gustong magkaanak ng bading)

SARADO na ang kasong ito pero for the sake of discussion ay papatulan namin ang pahayag ni Pia Wurtzbach na gusto niyang magkaanak ng bading dahil pagagandahin ka.

Agad nag-react ang ilang miyembro ng LGBT community, pero kagyat namang humingi ng dispensa ang beauty queen.

Hindi kataka-taka if Pia would wish to have a gay son in the future (pero kung sila ni Marlon Stockinger ang magkakatuluyan, ‘yun din kaya ang gusto nilang maging anak? Hmmm, puwede siguro, eh, ‘di nga ba’t ang car racer-dyowa ni Joey Mead is now a transwoman?).

Hindi rin shocking ang confession ni Pia, aber, saang mundo ba ang ginagalawan niya, isn’t it a predominantly gay world?

Hindi lang din si Pia ang nag-iisang babae na ganoon ang gustong maging anak. Even talent manager Lolit Solis—kung puwede pa nga siyang magbuntis at her septuagenarian age—would love a limp-wristed child.

Kaso, biniyayaan siya ng dalawang babae (both living abroad) na kung hindi pa niya dalawin o hindi magbakasyon dito ang mga ‘yon ay hindi pa sila magkakasama-sama.

Katwiran ni ‘Nay Lolit, ang baklitang anak ay maasikaso at mapagkalinga sa ina. Magsisipag-asawahan na’t magkakaroon ng sari-sariling mga pamilya ang mga anak who are straight men and women, but gay children will be around for their parents sa kanilang pagtanda.

Which is totoo naman, ‘di ba?

Walang iniwan ito sa sinabi ni Pia. Naka-peg nga lang ang kanyang line of reasoning sa “beauty factor.” Natural, beauty queen ang lola n’yo.

But Pia meant no harm in what she said.

Na-amplify or na-magnify lang ang “beauty factor” as though it’s the only relevant contribution ng isang beki sa mundong ito.

Given na naman kasi na maraming mga baklita are certified professionals. Huwag na nating isa-isahin pa ang kanilang propesyon.

Maging sa gobyerno ay sandamakmak din ang mga kumekembot-kembot, pero kasing-competent din ng mga totoong sugo ni Adan.

Pia’s statement was not meant to undermine—kahit bahagya man lang—kung ano o hanggang saan lang ang kakayahan ng mga beki na mga dalubhasa lang sa larangan ng pagpapaganda.

Kaya sa mga syufatid natin sa federacion, hinay-hinay lang sa pagre-react.

Kung ang sinabi kaya ng Lola Pia n’yo ay, “Ayoko ngang magkaanak ng beki kasi hanggang sa pagpapaganda lang ang knows nilang gawin!,” doon kayo magwala o magwarla-warla.

Ang OA n’yo, ha?!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …