NAGSIMULA nang i-patupad ang gun ban at liquor ban sa Navotas City para sa gaganaping plebisito sa tatlong barangay sa lungsod na planong hatiin sa pitong barangay.
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Navotas election officer, Atty. Edison Teodoro, ipinatutupad ang mga pangunahing regulasyon tulad ng gun at liquor ban sa tuwing may halalan kabilang ang plebisito.
Mula sa 14 barangay, planong iakyat ito sa 18 barangay sa bisa ng naturang plebisito.
Hahatiin sa tatlo ang Barangay North Bay Boulevard South, at hahatiin sa dalawa ang Barangay Tanza, at ang Barangay Tangos.
Sinabi ni Teodoro, handang magbigay ng seguridad ang Navotas PNP na matagal na nilang sinabihan bago pa magpalit ang taon ukol sa magaganap na plebisito.
Kampante ang Comelec na magiging matagumpay ang kala-labasan ng halalan dahil sa isinagawa nilang “information dissemination” sa mga paaralan, palengke, mga opisyal ng barangay, at maging sa civic organizations.
Sa kanyang pa-kikipag-usap sa mga residente ng tatlong barangay, sinabi ni Teo-doro, sa kanyang personal na opinyon ay paborable sa mga botante ang paglikha ng mga bagong barangay upang mas mabisang maihatid ang serbisyo sa kanila ng pamahalaan.
Habang idineklara ni Mayor John Rey Tiangco na “special non-working holiday” ngayong 5 Ene-ro 2018 sa tatlong barangay base sa Proclamation No. 391.
Dahil dito, walang pasok sa mga pampubliko at pribadong ahensiya sa nabanggit na mga barangay ngunit hindi sa buong Navotas.
Hinikayat ng alkalde ang mga residente ng tatlong barangay na maagang bumoto dahil bubuksan ang plebisito mula 7:00 am at maagang magsasara dakong 3:00 ng hapon.
(JUN DAVID)