WOW! Masyadong ‘petmalu’ ang laban ng dalawang naglalakihang mga beerhouse sa Recto at Rizal avenues sa Sta. Cruz Manila.
Non-stop at 24 oras anila ang sayawan ng mga babaeng hubo’t hubad mula alas-otso ng umaga. Eight to eight all week through.
Tatlong shifting umano ang grupo ng mga dancer na may tig-walong oras sa stage ang bawat grupo. Mandatory na maghubo’t hubad ang bawa’t individual. Sulit! ‘Ika nga natin all the way down.
Ang tinutukoy nating mga beerhouse ay Bighani na matatagpuan sa panulukan ng Recto at Rizal avenues. Samantala ang kompetensiyang Sunrise beerhouse ay makikita sa kahabaan ng Rizal Avenue malapit sa Soler St.
Isang aktibong pulis daw ang may-ari ng Bighani kung kaya’t hindi masyadong pinag-uukulan ng panahon ng awtoridad. Ang Sunrise naman sa kabilang dako ay isang retiradong opisyal rin ng pulis ang maintainer at malakas daw ang impluwensiya sa city hall.
Mayroong mga agam-agam na parehong hindi dokumentado ang mga negosyong ito.
‘Matik na rin na maikokonsidera ang mga nasabing beerhouse na prostitustion den dahil napakaraming VIP rooms at cubicles na matatagpuan sa itaas nito.
Ang mga mala-kuwartong puwedeng pagparausan ng mga matitipohang partner.
Totoo man o hindi, dapat itong pag-ukulan ng pansin ng awtoridad lalo ng Manila city hall.
MANILA NORTH
CEMETERY (MNC)
NABILI NI ADMIN
DAN-DAN TAN
NABILI na umano ang kabuuan ng Manila North Cemetery (MNC) ng mismong administrator nitong si Dan-dan Tan.
Ayon sa ating nasagap sa mga insider, nag-survey ang administrasyon ni Tan sa kabuuan ng MNC upang malaman kung ang mga puntod o libing ay abandonado, napapabayaan na at wala nang nag-aasikaso.
Napag-alaman, ang napakalaking bahagi ng sementeryo ang nakuha, nakamkam o sapilitang binayaran ni Tan para sa kanyang sariling interes at upang negosyohin.
Ito rin ang dahilan kung bakit walang nagiging choice ang mga maglilibing ng kanilang patay na lalapit sa opisina ng MNC.
Wala na silang magagawa kundi ang kagatin ang presyong ididikta sa kanila ng staff ni Tan kabilang na ang kanyang sotang si Bing Geronimo, ilang kapatid at asawa mismo ni Tan, sa MNC na rin umano nakatambay.
Wala nang ibang maririnig na usapan kundi patay at magkano. Mabuti na lang at hindi tatakbong konsehal dahil mantakin ninyo kung sakaling manalo?!
He he he… baka mabuhay ang mga patay!
***
Advance happy happy birthday to Janice Monceda Ocampo on Sunday Jan. 7, 2018. May you have many more birthdays to come. Good luck and take care. Mabuhay ka.