Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TRAIN ‘pasakit’ sa bayan (Palasyo aminado)

AMINADO ang Palasyo na kaila­ngang pasanin ng taong bayan ang ipapataw na dagdag buwis para pondohan ang mga proyektong pang-impraestraktura sa ilalim ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte.

Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ulat na 80 milyong Filipino ang makararanas ng negatibong epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kahit iabsuwelto sa income tax ang 6 milyong obrero.

“Well, someone has to pay for Build, Build, Build that will produce positive effects for everyone and of course, it is done through taxes ‘no,” ani Roque sa press briefing sa Palasyo kahapon.

Ang pagpapataw aniya ng buwis ay isa sa tatlong kapangyarihan ng estado at katanggap-tanggap ito sa demokratikong lipunan basta aprobado ng Kongreso.

“Taxation is one of the three inherent powers of the state and for as long as it is approved by the people’s representatives, which is Congress, is it acceptable in a democratic state,” dagdag niya.

Ipinauubaya aniya ng Malacañang sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung papayagan ang petisyon ng jeepney drivers at operators na maging P12 ang minimum na pasahe.

Maging ang taxi operators ay naghain din ng petisyon sa LTFRB para dagdagan ng P16 kada kilometro fare hike.

Dahil sa TRAIN
P10 DAGDAG-PASAHE
HIRIT NG TAXI DRIVERS

 

IHIHIRIT ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gawing P50 ang flag down rate sa taxi, na kasalukuyang nakapako sa P40.

Ito ay dahil sa napipintong epekto ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ayon kay PNTOA chair Bong Suntay, wala na halos kikitain ang mga taxi driver.

Ito’y kahit naglabas ng desisyon ang LTFRB kamakailan na itinataas na sa P13.50 ang singil kada isang kilometro at P2 kada minuto na waiting time sa taxi.

Hindi kasi ito naipatutupad dahil hindi pa naka-calibrate ang mga taxi meter.

Sinabi ni Suntay, hindi bababa sa 42,000 taxi drivers sa buong bansa ang mawawalan ng kita kapag hindi na-adjust ang pamasahe.

Ngunit giit ni LTFRB Board Member Aileen Lizada, wala pang natatanggap na petisyon ang ahensiya hinggil sa hiling ng grupo.

Kung sakali mang hihirit muli sila ng taas-pasahe, dapat aniyang patunayan ng mga taxi na tataas din at gaganda ang kalidad ng serbisyo nila sa mga commuter.

Ayon kay Lizada, kailangan hingiin ng LTFRB ang panig ng commuter groups bago magdesisyon.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …