Thursday , December 19 2024

Toni, dapat maidirehe ni Paul

MAITUTU­RING na biggest creative revelation sa nakaraang Metro Manila Film Festival ay ang pagkakapanalo ni Paul Soriano bilang Best Festival Director sa idinaos na Gabi ng Parangal.

No doubt, lumutang ang itinatago palang husay ni direk Paul na ang nakikita lang noon ng madlang pipol ay he’s just the husband of Toni Gonzaga.

Kung ‘yun ang dating premise na nabago after direk Paul’s victory, can we address Toni as “just” the wife of direk Paul?

Ang maganda pa kay direk Paul, siya ‘yung tipo ng artist na level-headed ang dating. No airs. Hindi niya kailangang magpaka-kontroberiyal, let his work speak for itself.

For sure, after ng Siargao ay masusundan pa ito ng maraming film projects.

Interestingly—kundi man funny—ang mas kilalang lumalabas sa mga well-directed romcom movies ay ang kay Toni. Heto palang kabiyak niya—her boyfriend of many years bago sila humarap sa dambana—ay isang tatahi-tahimik na magaling na director.

How about a Toni Gonzaga movie with Paul as the director? Why not?

Looking forward kami to seeing more direk Paul movies na may tatak na bilang malinis ang pagkakagawa, makabuluhan, at somehow ay magbibi­gay ng ngiti sa mga producer.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *