Saturday , November 23 2024

‘Tatay’ ni Liza, gustong idirehe si Robin

MAS mura ang produksiyon dito kompara sa Italy.” Ito ang ibinigay na rason ni direk Ruben Maria Soriquez, prodyuser, director, at actor kung bakit mas ginusto niyang sa ating bansa na lamang gumawa ng pelikula.

Tatlong taon nang naninirahan sa Pilipinas si Direk Soriquez, pero bago siya nagdesisyong manatili sa ‘Pinas, abala siyang nagdidirehe at nagpo-prodyus ng pelikula sa Italya.

Taong 1990 una siyang nagtungo ng ‘Pinas pero noong 2014 lamang niya napagdesisyonang manirahan na sa ating bansa at magsimulang mag-prodyus sa pamamagitan ng kanyang kompanya, ang See Thru Pictures Production.

Agad siyang nakagawa ng Of Sinners and Saints noong 2015 na nakakuha siya ng Best Actor Award sa World Premieres Film Festival na in-organize ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Nakagawa pa siya ng apat na pelikula, ang The Spider’s Man, The Lease, A Perfect Family, at Entrapped:  A Day Of Terror.

Bukod sa pagdidirehe at pagiging actor, sumusulat din si Soriquez kaya pinagsanib nila ni Mark McKeown ang talent para buuin ang The Spider’s Man. Kinuha rin ni Soriquez si Richard Quan para magbida na hinangaan niya dahil sa galing at pagiging propesyonal.

Istorya ng isang half-Italian/half-Filipino (played by Soriquez) ang The Spider’s Man na nagtungo ng ‘Pinas para bisitahin ang half-brother na si  Quan.

“The role is very challenging for him because he is autistic here. The title is ‘Spider’s Man’ because his best friends are some spiders. His favorite past time is to nurse spiders and to breed spiders in his room. He loves spiders very much. This is a dark comedy. I shot some of the scenes in Italy.”

Asawa naman niya sa The Lease si Garie Concepcion. Isang paranormal horror-thriller sangkot ang isang mayamang pamilya ang pelikulang ito na idinirehe ni Paolo Bertola, isang Italian cinematographer na nakabase na rin sa Maynila.

Isang experimental silent feature film naman ang A Perfect Family na kinunan sa loob ng 10 taon at ginawa sa anim na iba’t ibang lugar gaya ng Austria, Spain, France, Italy, Hong Kong, at Pilipinas.

Isang period thriller naman ang Entrapped:  A Day Of Terror na base sa mga tunay na pangyayari. Ito ay ipinrodyus ng  Luca Redavid para sa Innuendo Films, na co-producer ni Ruben at idinirehe ng isa pang Italyano, si Emanuele Dantonio.

Bukod sa pagiging prodyuser, actor din si Soriquez na naging pamilyar sa mga Pinoy sa seryeng Dolce Amore. Siya ‘yung gumanap na tatay ni Liza Soberano.

Napanood din siya sa Unexpectedly Yours nina Robin Padilla at Sharon Cuneta.

Aniya, maligaya siyang nakatrabaho ang Megastar. “Happy ako na makatrabaho si Ms. Sharon, masaya kasi siyang katrabaho, always joking. But when she gets into character, mabilis lang niyang nagagawa ang eksena. Sayang lang kasi wala kaming scene together ni Robin.”

Pero gusto niyang maidirehe si Robin na nakilala niya sa premiere night ng kanilang pelikula. “We agreed to meet anew and talk about projects.

“I am humbled and honored to be with stars na katulad ng Megastar at indisputable action star na si Robin. Wish ko na maidirehe ko siya someday.

“Dapat nga may meeting kami ni Robin kaya lang ay hindi natuloy dahil sobrang busy ako at sobrang busy din siya. Kapag both of us have time, gusto ko pa rin siya idirehe,” sambit pa ni Soriquez.

Hindi itinanggi ni Direk Soriquez na nagustuhan niya ang acting ni Robin. “I like him in the film, ‘Unexpectedly Yours.’ I like his acting. That’s why, gusto ko siyang idirehe rin someday sa isang movie.”

EUROPEAN
PHILIPPINES
INTERNATIONAL
FILM FESTIVAL

MASAYA ring inilahad ng director, actor, prodyuser, na binuo nila nina Maurizio Baldini at Lorenzo Galanti,ang European Philippines International Film Festival (EPIFF). Ito ay inendoso ng Italian Chamber of Commerce.

Objective ng EPIFF na mai-promote ang best ng Philippine cinema sa Italy at Europe at makahanap ng magdi-distributre ng mga pelikulang makakasali.

“The festival will be a competition among films made by Filipinos or filmmakers abroad with Pinoy blood. We will be looking for films that have international appeal, especially to the European audience.”

Ang international film festival ay nakatakdang gawin sa Marso 7-9, 2018 na gaganapin sa isang makasaysayang teatro sa Florence, Italy at ang deadline ng pagsusuite ng entiry para sa feature-length documentaries at feature-length films ay sa Enero 31, 2018.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *