Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay Mikay, patuloy sa paghataw ang showbiz career!

FIRST time namin na nakitang nag-perform nang live sina Kikay at Mikay sa ginanap na launching ng Fil-Alemania Production Company recently. Hanep pala talaga sa galing ang dalawang bagets!

Actually pati si Mommy Diane ni Kikay ay na-tension nang hindi gumana (dahil na-virus) ang dala nilang USB. Kaya imbes na sing and dance ang performance nila ay nag-improvise na lang sila at sumayaw na lang sina Kikay at Mikay. At dahil sa galing ng dalawa, sila’y kabilang sa nanalong performer that night.

Sina Kikay at Mikay ay under contract sa Viva Artists Agency. Lately ay kaliwa’t kanan ang kanilang TV appearances tulad sa Net25’s Pambansang Almusal, ABS-CBN’s Goin’ Bulilit, Pinas FM 95.5, at Impostora ng Kapuso Network. Napanood din kamakailan ang talented na duo sa Little Big Shots, hosted by Billy Crawford ng ABS CBN.

Sa pelikula naman, nagbida na sa pelikulang Field Trip ang dalawa. Recently din, ang pelikula nilang Sikreto Sa Dilim ni Direk Mike Magat mula RM8 Films Movie Productions nina Mr. Ramon at Mrs. Myra Roxas ay nakapasok sa International Film Festival Manhattan New York at nanalo pa ng award. Bukod kina Kikay at Mikay, tampok din dito sina Akihiro Blanco, Dianne Medina, Mike, Lovely Rivero, Ricardo Cepeda, at Ralph Maverick Roxas.



Next month, sasabak sina Kikay at Mikay sa Asia’s New Top Model. Malaki ang tsansa ng dalawang talented na bagets na masungkit ang korona.

“Sa January 2018, nakapasok sila sa Asia’s New Top Model Face, hoping kami Tito na masungkit nila ang grand winner dito,” saad ni Mommy Diane.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …