Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2018: Ang Bagong Taon

MANIGONG Bagong Taon sa ating lahat!

Another year over a new one is coming.

Sa lahat-lahat, maraming-maraming salamat po. Sa mga napuna at napuri, sa mga nagtanong at sumagot, sa mga sumama ang loob ngunit nagkusang loob, sa lahat ng nagbigay at tumanggap, maraming salamat pong muli sa lahat-lahat.

Mga piging nating pinagsaluhan, dinaluhan at pinagsamahan sana’y mag-iwan ng isang alaala sa bawa’t isa.

Sa hanay ng pulisya ng Manila Police District (MPD), napakahusay at napakagaling ng inyong ipinamalas sa buong lungsod ng Maynila. Harinawa’y maipagpatuloy ninyo hanggang sa mga susunod pang mga taon.

Kay District Director Gen. Joel “JIGS” Coronel pinapapurian sa pagganap ng tungkulin lalo sa panahon ng inyong liderato.

Lubos na masaya ang naging Christmas party ng MPD kamakailan sa mismong headquarters sa United Nations Avenue. Iisa lang ang kapuna-puna, hindi natin nakita at nasilayan si Gen. Coronel. Mas lalong hindi natin siya naramdaman. Anyway napakamatikas niya lalo pagdating sa performance.

Manigong Bagong Taon…

*****

Sa lahat ng aking kabaro, manigong Bagong Taon, nawa’y wala nang maging hidwaan sa isa’t isa upang manatiling intact at united lalo sa hanay ng mga miyembro’t opisyal ng Manila Police District Press Corps.

Mabuhay!

At sa muli manigong Bagong Taon sa ating lahat…

BAGONG STATION
COMMANDER NG MPD
PS-7 SA JOSE ABAD
SANTOS AVENUE
SA TONDO, MAYNILA

MULING nakita ang disiplina sa residente na nasasakupan ng PS-7 sa liderato ng bagong station commander sa katauhan ni Lt. Col. Rolando Gonzles.

Dalawang linggo pa lamang nakapuwesto si Gonzales sa nasabing presinto ngunit agad si­yang naramdaman. Nanumbalik muli ang disiplina at respeto sa isa’t isa sa kanyang pamumuno sa mga pulis at mamamayan.

Kudos at mabuhay ka Lt. Col. Rolando Gonzales gayon din sa iyong mga pulis at tauhan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …