NANAWAGAN si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde sa publiko na hangga’t maaari ay gawing mapayapa ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Nakiusap din si Albayalde sa mga magulang na bantayan maigi ang kanilang mga anak na malamang ay patagong bumili ng mga ipinagbabawal na pa-putok.
“Umaasa ang inyong mga ka[pulis]an na magkaisa tayong lahat na ipagdiwang ang pagpapalit ng taon na mapayapa at ligtas sa anomang kapahamakan. Sinisiguro ko rin na mana-natiling nakabantay ang inyong mga ka[pulis]an 24/7 sa gitna ng inyong pagdiriwang upang panatilihin ang kapayapaan at kaa-yosan sa buong rehiyon,” ani Albayalde.
Binalaan ni Albayalde ang lahat ng mga pulis na huwag magpapaputok sa pagsalubong ng Bagong Taon dahil sasampahan ng kasong administratibo at haharap sa posibleng pagkasibak sa serbisyo.
(JAJA GARCIA)